Connect with us

Entertainment

Limang Taong Gulang At Napakacute Na Anak Ni Ara Mina Na Si Mandy, Gustong Maging Isang Vlogger

Marami ang nahuhumaling sa panonood ng mga nakakatuwang vlog ng mga sikat at kilalang vlogger. Hindi nga ito nakapagtataka, dahil talagang nakakalibang ang panonood ng mga nakakaaliw nilang video sa kanilang Youtube channel. Wala namang pinipiling edad, ang mga nais maging vlogger para maghatid ng saya sa mga manonood dahil kapag ikaw ay may talento, hindi mahiyain, at masayahin ay pasok ka bilang isang vlogger.

Photo credits to the owner

Katulad na lamang nga ng napakacute na anak ng aktres na si Ara Mina na si Amanda Gabrielle Meneses o kilala rin sa tawag na Mandy. Si Mandy ay limang taong gulang pa lamang, ngunit hindi maikakaila ang pagkahilig niya sa mga vlog. Sa katunayan nga nito, sa kanyang murang edad ay gusto nang maging isang vlogger ni Mandy. Sa mga hindi nakakaalam, si Mandy ay anak ni Ara Mina sa kanyang dating partner na si Patrick Meneses.

Photo credits to the owner

Samantala, ibinunyag naman ni Ara na ang kanyang anak na si Mandy ay malaki ang interes sa vlogging kung saan nga ay nagsimula na rin itong mag-vlog. Ngunit, ayon naman sa aktres, kahit madami nang nagawang video si Mandy ay hindi pa niya ina-upload dahil gagawan pa lang niya ito ng sariling Youtube channel.

Photo credits to the owner

“She’s starting na actually ng pagba-vlog. Di ko pa lang na upload at napapa-edit videos niya. Medyo marami-rami na kong nakukuhanan kaso sa phone ko pa lang siya nakukuhanan. And gagawan ko pa lang siya ng channel.”

“May nagawa na kong channel before para sa kanya kaya lang hindi ko maalala yung email na ginamit ko. Hahaha! Baka gumawa na lang ulit ako ng dati,”saad pa ng aktres.

Photo credits to the owner

Naikwento rin ni Ara kung kailan nagsimula ang interes ni Mandy sa vlogging. Ayon nga sa aktres, ay nakikita niya ang kanyang anak na nagsasalita na sa harap ng cellphone. Mas lalo namang nagkainteres si Mandy noong panahon ng quarantine dahil mahaba raw ang oras nitong manood ng Youtube.

Photo credits to the owner

“Last year lang nung nag-start akong mag-vlog nakita ko na interesado rin siya. Kasi nakikialam na siya, nagsasalita na rin sa harap ng cellphone na parang reporter, so sabi ko, ‘Aba, may future ang anak ko bilang blogger.”Pero parang nag-trigger lalo yung interes niya nung nag-ECQ, kasi napapadalas siya mag watch sa YouTube like kay Jojo Siwa and Ryan’s Toys Review dahil nasa house lang siya at dahil wala nang classes and hindi nakakalabas.”

Ang isang video nga na ibinahagi ni Ara, kung saan magkasama sila ni Mandy sa paggawa ng ice scramble, ay dinagsa ng papuri at komento. Agaw pansin kasi sa nasabing video ang kacutan at kabibohan ni Mandy dahilan nga para maaliw at kagiliwan siya ng mga viewers.

Photo credits to the owner

“Yung video niya with me na kumakain kami ng Ice Scramble ang lakas no’n. Hehehe!” pagmamalaki pa niya. “Kasi super daldal niya do’n, natatalo pa niya ako sa dami nyang reactions sa video. Nakakaaliw sya do’n. Hahaha!”

Mapapansin rin sa video ang husay ni Mandy sa pagsasalita ng salitang English. Dahilan para mas lalong maaliw sa kanya ang mga viewers. Ngayon pa lang nga, ay bagay na bagay na kay Mandy ang maging isang vlogger, na hindi maikakaila ang angking talento sa paghahatid ng saya sa mga manonood.

Photo credits to the owner

“You know what, first language na natutunan ni Mandy ay Filipino. Di siya marunong mag-English dati pero nung pumasok siya sa school ang galing na niya bigla mag-English at nagulat ako. “Nagworry pa nga ako sa kanya noon dati kasi parang siya lang hindi masyado marunong mag-English noon sa school nila. Ngayon na no-nose bleed na ang beauty ko sa kanya. Hahaha! Nakakatuwa kasi parehas siyang marunong mag-Tagalog at mag-English.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved