Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Chesca at Doug Kramer, Sinurpresa Ang Kanilang Bunsong Anak Na Si Gavin Sa 9th Birthday Nito

Ang pamilyang Kramer na mas kilala ng lahat bilang Team Kramer ay isa nga sa talagang hinahangaang pamilya sa industriya ng showbiz. Ang kanilang pamilya na binubuo ng dating PBA player na si Doug Kramer at kanyang misis na si Chesca Garcia-Kramer at kanilang tatlong anak na sina Kendra, Scarlet at Gavin. Aktibo ang kanilang pamilya sa social media, at may sarili ring Youtube channel ang kanilang pamilya, kung saan mapapanood ang kanilang mga nakakaaliw na mga vlog.

Photo credits to the owner

Maliban nga sa masayang bonding moments ng kanilang pamilya, bakasyon, house tour, ay madalas ring ibahagi ng kanilang pamilya sa kanilang mga vlog ang masasayang selebrasyon sa loob ng kanilang tahanan. Katulad na lamang kamakailan ng masayang pagdiriwang ng kaarawan ng bunsong anak ng mag-asawang Cheska at Doug na si Gavin Pheonix.

Photo credits to the owner

Talaga namang napakabuti at mapagmahal na magulang sa kanilang anak sina Chesca at Doug sa kanilang mga anak. At nito lamang ika-15 ng Enero sa pagdiriwang nga ng 9th birthday ni Gavin ay hindi nila pinalampas ang pagkakataon na pasayahin ito sa pamamagitan ng isang munting surpresa. Sa isang video na ibinahagi sa Youtube channel ng Team Kramer, ay makikitang isang surprise dinner ang inihanda ng mag-asawang Chesca at Doug. Pagbubunyag naman ng mag-asawa ay talagang excited si Gavin sa pagsapit ng kanyaang kaarawan, kung saan nga ay nag count down pa ito.

Photo credits to the owner

Makikita naman na ang mga inihandang pagkain ay mga paborito ni Gavin. Makikita rin sa video na ang venue ng pagdiriwang ay naganap sa kanilang bahay at sa paligid nga ay makiikita ang mga blue balloons. May nakahanda ring regalo ang kanilang pamilya para kay Gavin kung saan nga ay binigyan nila ang birthday boy ng paborito nitong laruan na Predator gaya ng Shadow Predator at Ancient Predator.

Photo credits to the owner

Hindi rin siyempre nawala ang sweet messages mula sa bawat miyembro ng pamilya para batiin si Gavin sa kanyang espesyal na araw. Nauna ngang magbigay ng mensahe si Chesca kung saan nga ay talagang damang-damang ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak. Bilang isang ina nga, ay hangad ni Chesca ang kabutihan para sa kanyang bunsong si Gavin.

Photo credits to the owner

Samantalang si Doug naman, ay simple ang naging pagbati sa kanyang anak kung saan sinabi nitong mahal na mahal niya si Gavin at palagi siyang nakasuporta dito, at siya raw ang number one fan ng kanyang anak. May mensahe rin ang kanyang Ate Kendra at Ate Scarlet, kung saan nga ay talagang puno ng papuri para kay Gavin at sinabing adorable at sweet boy ito. Bumati rin ang mga kasambahay ng kanialng pamilya kay Gavin na talaga namang tuwang-tuwa rin sa malambing at cute na batang si Gavin.

Photo credits to the owner

Hindi naman maikakaila na talagang nagustuhan ni Gavin ang natanggap niyang surpresa mula sa kanyang pamilya. Labis nga ang pasasalamat ni Gavin sa kanyang pamilya, na talagang pinasaya siya sa kanyang 9th birthday. Pinasalamatan rin ni Gavin ang kanyang mga fans na nagpaabot ng pagbati sa kanyang kaarawan.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved