Connect with us

Entertainment

Joshua Garcia, Pinakilig Ang Mga Fans Matapos Tawagan Si Ivana Alawi Para Sa “Truth or Dare Challenge” At Sinabing Jojowain Niya Ang Seksing Aktres

Ang aktor na si Joshua Garcia ay kinakikiligan ng maraming kababaihan, hindi lamang ng kanyang mga fans kundi maging ng ilang sikat na celebrities sa showbiz. Sa kanyang gwapo mukha at napaka-charming na awra, at husay sa pag-arte ay talaga namang marami ang humahanga at kinikilig kay Joshua.

Photo credits to the owner

At kamakailan lamang nga sa naganap na fundraising activity ng ABS-CBN sa Kumu, kung saan ay sumabak sa “Truth or Dare challenge” si Joshua, ay kinilig ang maraming tagahanga matapos nitong tawagan ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi.

Photo credits to the owner

Ang fundraising ay ginawa para makalikom ng donasyon upang matulungan ang mga naging biktima ng Bagyong Odette na nasalanta sa Visayas at Mindanao noong nakaraang buwan ng Disyembre. Sa segment ng show kung saan nakasama niya ang mga hosts na sina Alora Samsam at Darla Sauler, ay natanong si Joshua kung “Jojowain o Totropahin” niya ang napakaganda at napakaseksing si Ivana Alawi.

Photo credits to the owner

“Syempre jojowain. I mean c’mon, choosy ka pa ba? Mabait, maganda, sexy…magiging choosy ka pa ba dun. Pero hindi kasi lahat ng tao masasabi mong meant para maging magkarelasyon. May nakatadhana sa ‘yo na parang mami-meet mo lang para maging kaibigan mo kasi ‘di mo masasabi. ‘Yun lang naman sa ‘kin,”mahabang paliwanag ni Joshua.

Photo credits to the owner

Bilang bahagi naman ng challenge, ay nautusan si Joshua ng dalawang hosts na tawagan si Ivana at tanungin ng kaparehong katanungan. Agad naman ngang sumagot sa tawag si Ivana, at hinikayat pa ang mga viewers na makilahok rin sa donation drive.

Hindi naman na lingid sa publiko, na may crush si Ivana kay Joshua, kaya naman nahihiyang magtanong ang aktor sa aktres. Ngunit, sa huli nga ay tinanong na ni Joshua si Ivana kung “Jojowain o Totropahin” siya nito.

Photo credits to the owner

Hindi naman nakapagbigay ng diretsang kasagutan si Ivana kung saan nga ay sumagot lamang ng “secret”. At ang sagot naman ng aktres ay tinanggap at nirespeto ni Joshua. Sa huli nga bago tapusin ang tawag ay sinabi ni Joshua kay Ivana na magpagaling ito.

“Sorry sa istorbo. Ito kasing mga ito ang kulit e. Pagaling ka.”

Hindi naman maitago nina Alora at Darla ang kanilang ngiti na kilig na kilig sa pag-uusap nina Joshua at Ivana.

Matatandaan naman sa isang panayam kay Ivana ni Ogie Diaz na ibinunyag ng aktres na nagkakausap sila ni Joshua sa social media.

Photo credits to the owner

“Cute ‘yung mukha at saka mabait siya. Nakita ko para family-oriented. Pero hindi ko masabi kasi ‘di ko pa siya nami-meet personally.”

Naitanong rin kay Ivana kung sa tingin niya ay darating ang pagkakataon na ligawan siya ni Joshua. At nagbigay nga ng “safe answer” ang aktres sa tanong.

“Ay itanong n’yo na lang siya… Gusto ko kasing makilala muna siya bago ko kurutin ‘yung sarili ko.”

At tila nga ang katanungan ring ito, ay nasagot na ni Joshua. Sa sagot nga ng aktor na “Jojowain” niya si Ivana, ay talagang kinilig ng todo ang kanilang mga fans.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved