Connect with us

Entertainment

Beauty and Queen Actress na si Bianca Manalo, Hindi Sinasadyang Maging Blooper sa Dinaluhang Online Senatorial Forum ng Nobyo Niyang si Sen. Win Gatchalian

Beauty queen actress na si Bianca Manalo, huli ng ma-realize na naging blooper siya sa dinaluhan na online senatorial forum ng nobyo biyang si Win Gatchalian na isang senador.

Photo credits to the owner

Sa latest IG post ni Bianca Manalo ay good vibes nga ang naging hatid niya sa marami, ito nga ay matapos niyang ibahagi ang isang nakakatuwang pangyayari para sa kanya, habang ang nobyo niyang si Sen. Win Gatchalian ay dumadalo sa isang online meeting.

Photo credits to the owner

Ang nasabing online meeting nga na ito na dinaluhan ni Sen. Win Gatchalian ay ang naging panayam sa kanya kamakailan lamang sa CNN Philippines, kung saan nagkaroon nga ng online forum para sa mga senador para makapagbigay sila ng kanilang opinyon sa napapanahong isyu sa bansa sa loob nga ng dalawang minuto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Manalo (@biancamanalo)

Mapapanood sa Facebook page ng CNN Philippines ang 38:20 video na kanilang ini-upload, at dito nga ay makikitang habang abala si Sen. Win Gatchalian sa pagbibigay ng kanyang opinyon ay nasa may bahaging pintuan nga ang kanyang nobyang si Bianca Manalo na kinukuhaan siya ng video, gamit ang cellphone nito.

Photo credits to the owner

Hindi nga batid ng beauty queen turned actress na habang kinukunan niya ng video ang nobyo niyang senador ay nakikita pala siya sa video frame nito at halos dalawang minuto nga siyang nasa ganoong posisyon bago niya napagtanto na nasisilayan pala siya sa kamera.
Nang mapansin nga ito ni Bianca, ay agad siyang umalis sa kanyang kinatatayuan at isinara na nga lamang ang pintuan kung saan siya nakapuwesto.

Photo credits to the owner

“Hay Bianca, oo Ano ka rin minsan eh ha bloopers tuloy ako sa Senate Forum last night Live on TV hahahahha @stgatchalian74.
“Naka IG live kasi ako eh! Ang tagal ko pa na-realize, teka, ako ba ‘yun? Shucks ako nga”, ang naging pahayag ni Bianca sa kanyang IG post na may kalakip na isang video.

Photo credits to the owner

Maririnig pa ngang saad ni Bianca sa video,

“Oh my God, nakitang nandun ako sa pintuan nakakahiya.”

Samantala, maririnig rin sa video na ibinahagi ni Bianca sa kanyang IG ang naging saad ni Sen. Gatchalian para sa kanya, kung saan ay sinabi nga nito na tila matatawa siya sa nobya dahil sa hindi nito agad napansin na nakikita ito sa kamera.

Photo credits to the owner

“Babe, na-distract ako. Ang hirap pa naman ng tanong. When I saw you, na-distract ako eh. Parang gusto ko matawa na hindi matawa”, ani ni Sen. Gatchalian.

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved