Connect with us

Entertainment

Ellen Adarna, Nagulantang sa Presyo ng Shades na Nabili niya kay Elias ng Matangap nito ang Bill ng mag Check-Out sila noong Nagbakasyon sila sa Amanpulo

Ang aktres at celebrity mom na si Ellen Adarna maliban sa pagiging abala sa kanyang trabaho sa showbiz bilang artista, ay isa ring hands on mom sa kanyang anak na si Elias Modesto. Makikita nga sa social media ng aktres ang madalas nilang pagba-bonding hindi lamang sa loob ng bahay, kundi pati na rin sa magagandang lugar.

Photo credits to the elen adarna fan page | Facebook

Hilig nga ng mag-ina ang mag-travel at magbakasyon sa mga magagandang lugar lalo na sa beach. At sa bawat bakasyon nga nila, ay kapansin-pansin ang pag-aalagang ginagawa ni Ellen kay Elias. Sa katunayan nga nito, sa kagustuhan niya mabigyan ng proteksyon ang mga mata ni Elias mula sa sikat ng araw, ay napabili siya ng shades ng kanyang anak nang wala sa oras.

Photo credits to the elen adarna fan page | Facebook

Bagama’t, kilalang mayaman na si Ellen, ay may mga bagay parin na isinaalang-alang ang aktres pagdating sa pera. Katulad na lamang nga ng pagbili niya ng shades ni Elias na hindi niya inaasahan na mamahalin pala. Sa isang Tiktok video ay ibinunyag ni Ellen na “worst purchase” na kanyang nagawa ang pagbili ng shades ni Elias.

Photo credits to the elen adarna fan page | Facebook

Kwento ng aktres, ay nasa isang bakasyon sila noon sa isang beach nang maisipan niyang bilhan ang kanyang anak ng shades bilang proteksyon ng mga mata nito sa sikat ng araw. Hindi na nga raw tiningnan ni Ellen pa ang presyo ng shades sa pag-aakalang mura lamang ito.

Ngunit, sa pag-check out ng bill ay laking gulat niya nang makita ang presyo ng shades na may halagang P25,000. Talagang ikinagulat ng aktres ang presyo nito, ay hindi siya makapaniwala na gumastos siya ng P25,000 para sa isang shades lamang. At ayon pa sa aktres, ang nasabing shades ay mas mahal pa sa mga shades na meron siya. Inaasahan niya na nasa P10,000 na ang pinakamahal nito, ngunit dahil nga nabili na ay wala na siyang nagawa pa.

Photo credits to the elen adarna fan page | Facebook

Hindi na rin kinansela pa o ibinalik ni Ellen ang nabiling shades para kay Elias dahil nagamit na naman ito ng kanyang anak sa loob ng tatlong araw nilang bakasyon. Bagama’t, nanghihinayang at may pagsisisi ang aktres sa nabili niyang shades ni Elias, ay mas inisip na lamang niyang napakinabangan naman ito ng kanyang anak.

Photo credits to the elen adarna fan page | Facebook

Sa huling bahagi naman ng video ay ipinakita ni Ellen ang hitsura ng shades na kanyang nabili para sa kanyang anak. At makikita naman na maganda ito at bumagay sa gwapong mukha ni Elias. Kahit nga, napakamahal nito ay may naitulong naman kay Elias bilang proteksyon sa kanyang mata. Tiyak naman na magagamit pa ito ni Elias sa mga darating pang bakasyon kasama ang kanyang Mommy Ellen lalo nga’t mahilig silang magbakasyon sa beach.

Photo credits to the elen adarna fan page | Facebook

Si Elias Modesto ay anak ni Ellen sa kanyang dating karelasyong aktor na si John Lloyd Cruz. Sa ngayon ay masayang-masaya naman na si Ellen sa piling ng kanyang asawang si Derek Ramsay.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved