Connect with us

Entertainment

Unica Hija ni Ara Mina na Si Amanda Gabrielle Labis ang Kasiyahan sa Naging Bonggang Selebrasyon ng Kanyang Ika-7 Taong Gulang na Kaarawan

Si Ara Mina ay isa sa mga mahuhusay na aktres sa industriya ng showbiz na hanggang ngayon ay patuloy pa rin nating napapanood sa ating mga telebisyon. Siya ay mas naging popular bilang isang sexy actress noon, lalo na’t tunay na kahanga-hanga at nakabibighani ang taglay niyang kagandahan at kaseksihan na wala pa rin namang kakupas-kupas kahit ngayon na siya ay mayroon ng anak at asawa.

Credits: Ara Mina | IG

Maliban sa pagkakaroon ng matagumpay na showbiz career, ay mayroon din ngang isang masayang pamilya si Ara. Siya ay may isang anak na babae, at ito nga ay si Amanda Gabrielle na kamakailan nga lamang ay nagdiwang na ng ika-7 taong gulang na kaarawan.

Tulad ng inaasahan ng lahat, isang masaya at espesyal na pagdiriwang ang naging 7th birthday ng unica hija ni Ara. Makikita nga sa IG post ng Kapamilya actress ang magagandang larawan na kuha sa naging masayang birthday party ng anak niyang si Amanda na mayroon pa ngang makulay na tema dahil sa ‘Candyland theme’ nito.

Credits: Ara Mina | IG

“You give us a thousand reasons to smile every day”, ang naging saad ni Ara sa kanyang caption sa IG post niya na may kalakip pa ngang #MyAmandaTurns7.

Hindi naman nawala sa epesyal na araw na ito kay Amanda ang kanyang ama na si Bulakan, Bulacan Vice Mayor Patrick Meneses na dati ngang partner ni Ara. Kaya naman doble rin ang kasiyahan na nadarama ng unica hija ng aktres sapagkat parehong present sa okasyon ang kanyang mga magulang.
Makikita rin sa mga larawan na ibinahagi ni Ara na present rin mister na ngayon na si Dave Almarinez sa 7th birthday celebration ng anak niyang si Amanda.

Credits: Ara Mina | IG

Ang mga magagandang larawan na kuha sa naging masayang pagdiriwang ng ika-7 taong gulang na kaarawan ni Amanda ay kinunan ng mahusay na photography, ang Nice Print Photography na kilala nga naman na madalas na kumukuha sa mga espesyal na okasyon sa iba’t ibang pagdiriwang at kaganapan sa buhay ng maraming sikat na celebrity.
Sa kaarawan nga ni Amanda ay mayroong handog na ‘touching message’ si Ara sa kanyang unica hija na kung tawagin nga niya ay ‘Mandy’.

“Happy birthday to the most wonderful girl in the world! You always motivate me to work harder and inspire me to be a better person every day. There’s no obstacle I can’t overcome when you’re here by my side. I’ll never stop thanking God for giving me such a bright and loving girl in my life. I love you so much my baby girl”, ani Ara.

Credits: Ara Mina | IG

Damang-dama naman ng marami sa mensahe na ito ni Ara para sa kanyang anak na si Amanda ang pagmamahal ng isang ina.

Credits: Ara Mina | IG

Masasabi ring tunay na napakapalad ni Amanda sapagkat siya’y minamahal ng lubos ng kanyang mga magulang, kung saan sa kabila ng hiwalay na ang mga ito at may kanya-kanya ng buhay, ay naging mabuti namang magkaibigan ang mga ito upang parehong subaybayan, suportahan at mahalin siya.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved