Connect with us

Entertainment

Sweet Photos ng Celebrity Couple Na Sina RK Bagatsing at Jane Oineza Sa Social Media, Naghatid Ng Kilig Sa Netizens

Hindi nga magpapahuli sa paghahatid ng kilig sa kanilang mga tagahanga ang celebrity couple na sina RK Bagatsing at Jane Oineza. Ang kanilang pag-iibigan on screen ay tuluyan ngang nauwi sa tunay na pag-iibigan sa likod ng camera.

Credits: Jane Oineza | IG

Hindi naman maikakaila na ang parehong mahusay na aktor at aktres ay bagay na bagay sa isa’t isa. Sila nga ay may taglay na magandang chemistry, dahilan nga kung bakit marami ang nakasubaybay sa kanilang pag-iibigan.

Kitang-kita naman talaga ang nag-uumapaw na kasweetan ng magkasintahan sa mga larawang kanilang ibinabahagi sa social media. At kahit gaano man nga sila kaabala sa kanilang trabaho, ay naglalaan parin sila ng oras para makasama ang isa’t isa, at maramdaman ang init ng kanilang pagmamahal.

Credits: Jane Oineza | IG

Ngayong pandemya, kung saan nga ay halos naka-lock in taping sila pareho, ay bumabawi sila ng oras para magkaroon ng masayang bonding. At kamakailan, lamang ay muling ipinaramdam ng magkasintahan ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa matapos magkaroon ng quality time kung saan masisilayan ang nag-uumapaw nilang kasweetan. Tila tinitiyak naman ng magkasintahan na sa bawat oras na sila’y magkasama, ay isang maganda at masayang alaala ang kanilang pagsasaluhan.

Hindi nga napigilan ng netizens at ng kanilang mga tagahanga ang kiligin sa kanilang larawan, na talaga namang napakasweet sa isa’t isa. At tila nga, nahanap na nina RK at Jane sa isa’t isa ang kaligayahang hinahanap ng kanilang puso.

Credits: Jane Oineza | IG

Sa kanilang mukha kung saan masisilayan ang matamis nilang ngiti, ay hindi maitatanggi na masaya sila sa piling ng isa’t isa. At siyempre, mababakas sa bawat larawan ang tunay at wagas nilang pagmamahal sa isa’t isa.

Samantala, hindi lamang buhay pag-ibig ng magkasintahan ang puno ng kulay ngayon, dahil ang kanilang karera sa showbiz ay maganda ang takbo at patuloy ring namamayagpag. At ang dahilan nito, ay ginagawa nilang inspirasyon ang isa’t isa upang mas lalo pa nilang pagbutihan at husayan ang kanilang trabaho upang mapatunayan ang kanilang kakayahan.

Credits: Jane Oineza | IG

Dahil nga sa talagang humanga at kinilig ang netizens sa tamis ng pag-iibigan ng magkasintahan, ay hindi napigilan ng mga ito na mag-iwan ng komento at ipaabot ang kanilang pagsuporta. Narito ang komento ng mga netizens sa sweet photos nina RK at Jane, o mas kilala sa kanilang tambalan na RkAne.

“Nice to see u both enjoying each other n having fun.Luv u both n pls stay safe. Make more amazing memories.”

Credits: Jane Oineza | IG

“Ang sweet namn rkane stay strong to both of you and keep safe always”
“God bless your relationship 🙏 God bless you both”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved