Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi Muling Pina-Wow ang Marami ng Mag-ala Barbie Doll sa Kanyang Naging Pag-Guest sa Showtime

Talaga namang nakaka wow ang kaseksihan at kagandahan ni Ivana Alawi, at mas lalo pa nga itong lumitaw at hinangaan ng kanyang mga tagahanga ng mag-ala Barbie Doll look siya sa naging pag-guest niya nito lamang nakaraan sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime.

Photo Credits to the Owner

Dahil sa naging mala-Barbie doll looks nga ni Ivana sa naging pag-guest nya sa It’s Showtime ay binansagan siya Pinay Barbie doll. Batid natin na maliban sa pagiging isang Kapamilya actress ay isa ring sikat na YouTube vlogger si Ivana.

Hindi lamang nga mga tagahanga ni Ivana ang binansagan siyang Pinay Barbie doll, dahil maging mga hindi tagahanga ni Ivana ay tinatawag na rin siyang Barbie doll.ng Pilipinas.
Makikita sa Instagram story ni Ivana ang mga larawan at video na nagpapakita ng kanyang naging napakagandang set-up.

Credits: Marvin Talanay | IG

Nakasuot si Ivana ng pink dress na tinernuhan niya ng kulay neon green na heels. Mas lalo ngang naging Barbie doll ang aura ni Ivana ng ternohan niya pa ang kanyang outfit ng blonde a buhok.

Sa ‘looks’ nga na ito ni Ivana ay hindi naiwasan ng publiko na bansagang Pinay Barbie doll ang Kapamilya actress-vlogger. Marami din ang nakapansin ng malaking pagkakahawig ni Ivana sa sikat na American fasion doll.
Siyempre maliban sa kanyang outfit at blonde hair ay mas nagmukha pa ngang Barbie doll si Ivana dahil sa napakagandang make-up niya na mas lalo pa ngang nagpalutang ng kanyang angking kagandahan.

Credits: Marvin Talanay | IG

Marami ngang netizens ang nagsabing mukhang Barbie doll si Ivana dahil sa kanyang naging ‘looks’, ngunit may ibang nga netizens naman na ikinumpara ang kanyang kagandahan at pagkaka-ayos kay Bella Poarch at Ariana Grande.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens patungkol sa mala-Barbie doll na peg ni Ivana.

Credits: Marvin Talanay | IG

“The first pic look like Ariana Grande”
“OMG Barbie doll ng Pinas si Ivana sobrang ganda.”
“Para ka ding si Bella Poarch mamsh ang ganda.”
“Bagay na bagay sayo ganyang look idol Ivana napakaganda mo.”
“Overload sa ganda. At may ginintuang puso. More more blessings to come.”

Credits: Marvin Talanay | IG

Kinaaliwan naman ng maraming mga manonood ng It’s Showtime ang naging pag-guest ni Ivana sa nasabing programa, lalo na’t talaga namang nakakaaliw ang actress-vlogger sa naging paglabas niya sa It’s Showtime.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved