Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Mala-Shop sa Mall na Lawak at Ganda na Walk-In Closet ng Aktres na Si Dianne Medina

Normal na sa bahay ng isang artista na magkaroon ng walk-in closet, kung saan ay dito nga nila maayos na idini-display ang kanilang mga personal na kagamitan, kagaya na lamang ng kanilang mga damit, sapatos, bags, o kahit mga alahas.

Sa tuwing ang mga artista ay nagpapakita ng kanilang mga tahanan sa mga taganga at tagasubaybay nila, ay ang mas pinapasulyap nila ay ang kanilang mga naglalawakang mga walk-in closet. Karamihan nga sa mga artista ay hindi lamang nakakamangha ang ganda ng walk-in closet kundi mas nakamamangha ang mga naka-display dito na mamahalin nilang mga Kara khan

Pagdating sa pagkakaroon ng maganda at malawak na walk-in closet ay isa ang aktres na si Dianne Medina sa mayroon nito sa loob ng kanilang mala-mansyon sa laking tahanan.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami sa atin, na bago pa man nga ikinasal si Dianne Medina sa asawa niyang si Rodjun Cruz at bago sila magkaroon ng anak, ay una muna ngang itinayo ng dalawa ang kanilang ‘dream home.’ At sa dream home nga na ito ng mag-asawa, siyempre hindi nawala ang walk-in closet ni Dianne na talaga namang hahangaan sa laki at ganda.

Kamakailan nga lamang, ay ipinasilip ni Dianne Medina sa kanyang Instagram account ang kanyang walk-in closet. Ayon nga sa aktres, aayusin niya at i-organize ang kanyang walk-in closet dahil marami sa kanyang mga kasuotan ang hindi na magkasya sa kanya. Dagdag pa ni Dianne, plano niyang

“Since most of my clothes doesn’t fit me anymore. Time to fix my closet! I’ll be selling my items both used and brand-new items [red heart emoji] Follow @diannemedinashop now #MywalkInCloset.”

Nang ipasilip nga ni Dianne ang kanyang walk-in closet ay marami ang hinangaan ang lawak nito at pagiging organisado ng mga kagamitan ng aktres. naging agaw-pansin ang isang ‘rack’ kung saan maayos na nakasalansan ang mga magaganda at magagarang designer bags ni Dianne na ang mga brand nga ay Gucci, Channel, Louis Vuitton at marami pa ngang iba.

Maliban sa mga bags ni Dianne, ay ipinakita rin niya ang napakarami niyang mga sapatos na maayos ding nakalagay sa isang ‘rack’. Ipinakita rin ng aktres, ang maayos na lagayan ng kanyang mga accessories sa loob ng kanyang walk in closet.

Dahil sa ganda at lawak ng walk in closet ni Dianne ay marami nga ang humanga rito, hindi lang mga ordinaryong mga netizens kundi maging mga kapwa niya artista.

Marami din sa mga tagsubaybay ni Dianne ang pinuri ang kagandahan at pagiging organisado ng mga gamit ng aktres sa kanyang walk-in closet. Ilan nga sa mga mababasang komento ay sinabing maikukumpara sa isang shop sa mall ang walk-in closet ni Dianne dahil napakalawak nito at napakaganda nga ng pagkaka-ayos ng mga kagamitan sa loob nito.

“grabehan? Kala ko closet ni Kylie Jenner.”
“parang store ng isang mall, kaganda super.”
“Yung feeling na nakapamasyal ka sa mall? Ganda po ng closet niyo [red heart emoji]”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved