Connect with us

Entertainment

“I want an annulment right now”, Ang Naging Biro ni Ellen Adarna sa Kanyang Mister na Si Derek Ramsay Ng Makita Niya ang mga Pores Nito

Kamakailan lamang ng ikasal sina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa napakagandang villa ng Rancho Bernardo na matatagpuan sa Bagac, Bataan. At sa kasalukuyan nga ay ine-enjoy ng dalawa ang kanilang honeymoon sa Tagaytay.

Wala pa ngang isang buwan na naikakasal ang dalawa, ay nagbiro naman ang aktres na si Ellen Adarna sa mister niyang si Derek na nais niya na itong hiwalayan. Ang biro nga na ito ng aktres ay nabanggit niya ng kanyang masilayan ang tila nga kahindik-hindik na pores ng kanyang mister na si Derek.

“My God your pores! Oh my God your pores, they’re hideous! Oh my God! Eww! Ewww! Ewww! I’m so turned off! Eww! They’re hideous! Oh my God I want an annulment right now!”, ang naging pagbibiro nga ni Ellen kay Derek.

Sa naging reaksyon ni Ellen ng makita ang mga pores ng kanyang asawang si Derek ay tila nga siya ay diring diri, ngunit ito naman ay biro lamang para sa aktres.

Pagsang-ayon naman anng naging kasagutan ng aktor sa naging pabirong hiwalayan ng kanyang misis, habang ramdam na nga ang pagka-antok at nais na niyang matulog.

“Okay! I want an happy ending!l, ang naging tugon ni Derek kay Ellen habang pinipilit na nga niya ang makatulog.

Kahit naman patulog na ang aktor, ay hindi pa rin natapos si Ellen, at patuloy pa rin ngang nagbi-video ang aktres, at maririnig ngang sinasabi niya na hindi pa siya tapos sa asawang aktor.

“I’m not done with you yet. I hate you” ani nito.
Dagdag pa niya, “This is just the beginning. This is just an intro of what’s going to come you d*mb sh*t!”

Makikita na patuloy pa rin ang ginagawa na pagkuha ni Ellen ng video kay Derek hanggang sa matuon ito sa tainga ng aktor. Nnagpakawala naman ng malakas na sigaw ang aktres ng mapansin niyang naka-ear locks ang kanyang mister na si Derek.

“Oh my God you have ear locks, oh my goodness!”, saad ni Ellen bago niya tinapos ang kanyang video.

Samantala, hindi na rin bago sa mga tagasubaybay ng mag-asawang Ellen at Derek ang ganitong kulitan ng dalawa, dahil bago pa man nga sila ikinasal ay madalas ng nagbabahagi ag dalawa ng mga ‘pranks’ nila sa isa’t isa, kung saan tila ito ang dahilan kung bakit mas lalong nagiging matibay at puno ng ‘excitement’ ang kanilang relasyon.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved