Connect with us

Entertainment

Mga Netizens Kina-Aliwan ang TikTok Video ni Meryll Soriano Habang Kinakamusta ang mga Makabagong Tsismosa Ngayon ang mga ‘Marites’

Si Meryll Soriano ay isa sa mga aktres at anak ni Willie Revillame na nagmana sa pagiging kwela niya at komedyante. At nito nga lamang nakaraan ay muling nagbigay aliw ang aktres sa mga netizens, matapos niyang ibahagi sa kanyang social media account ang kanyang nakakaaliw at pinakabagong TikTok video.

Sa mundo ng social media, ay nauuso ngayon ang salitang ‘Marites’ kung saan ito nga ang makabagong tawag sa mga tsismosa sa panahon ngayon.

Tuwing mayroon ngang mga bagong isyu, lalo na sa industriya ng showbiz, ay agad namang nababanggit ang mga ‘Marites’ dahil ang mga ito nga umano ang mas nakakaalam kung ano ang naging tunay na ganap sa mga lumalabas o nababalitang isyu.

Karaniwan na nga sa mga isyu ngayon ay ang mga pangyayari o kontrobesyal sa buhay ng ilang mga celebrity. Tuwing mayroon ngang mga usapin tungkol sa mga hinahangaan o iniidolo nating artista ay agad na si ‘Marites’ umano ang nakakaalam ng sagot sa mga katanungan ng mga netizens.

Samantala, ang kinaaliwan ngang TikTok video ngayon ni Meryll Soriano ay ang kanyang pakikisabay sa ‘Marites’ hype, kung saan ay kinamusta nga ng aktres ang mga ‘Marites’ habang kasama niya ang bunso niyang anak sa may mababaw na parte ng dagat at tila nga naglalaba siya ng damit nito.

“Oh mga Marites anong balita jan sa inyo, kamusta naman jan?”, ang naging saad ni Meryll.

Kasunod nito, ay ang biglang pagdating ng isang helicopter na nasa himpapawid pa lamang ay tanaw na tanaw na ng aktres. Ayon kay Meryll, ang naturang helicopter ay ang pagmamay-ari ng ama niyang si Willie, kung saan ng sandali ngang iyon ay mismong ang kanyang ama ay lulan ng nasabing sasakyang panghimpapawid.

“Oh padating na si papa” ani Meryll sabay hagikhik.

Ang video nga ng aktres ay napokus sa paparating na helicopter, at itinuro pa nga ni Meryll sa anak nil ani Joem Bascon. Saad ng aktres sa kanyang anak, ang Lolo nito ang lulan ng helicopter na paparating

Agad namang bumuhos ng samu’t saring mga komento mula sa mga netizens ang TikTok video na ito ng aktres. Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens;

“Sarap mag-chisimisan sa ganyang lugar.”

“NapakaSWERTENG Marites, may Helicopter yung papa nya Naol Mars.”

“Kung ganyan ba naman dadating sa barangay namin mangangawit mga leeg ng marites kakatingala.”

“Ano mga Marites wala tayong papa na may helicopter.”

“Mars, invite m nman kmi jan s resort nyo, at jan na lang tau magchismisan.”/

 

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved