Connect with us

Entertainment

Jake Ejercito, Umani ng Paghanga Mula sa mga Netizens ng Ibahagi Niya ang Larawang Nagpapakita ng Pagiging Malapit Niya sa Anak ni Andi Eigenmann

Muling hinangaan ng mga netizens ang aktor na si Jake Ejercito, matapos nitong ibahagi sa kanyang social media account ang isang larawan kung saan makikita ang pagiging malapit niya sa anak ni Andi Eigenmann na si Lilo. Makikita kasi sa larawan, na karga ni Jake si Lilo.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na madalas nagtutungo ang aktor na si Jake Ejercito sa Siargao, dahil madalas na nasa isla ang anak niyang si Ellie, kung saan doon na naninirahan ang ina nito na si Andi Eigenmann at ang binuo ngang pamilya ng aktres.

Nito nga lamang nakaraan ay muling na-spottan sa Siargao si Jake, at sa pagkakataon na ito, ay kasama ng aktor sa kanyang pagbisita sa isla ang kanyang mga kapatid na sina Jerica at Jacob.

Ayon sa ulat, ang naging dahilan ng pagtungo ni Jake at ng kanyang mga kapatid sa Siargao, ay upang dumalo sa pagdiriwang ng ika-10 taong gulang na kaarawan ng anak niyang si Ellie, na ang ina nga ay ang ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann.

Makikita sa unang video sa IG ni Jake ang naging mainit na pagsalubong sa kanya ng anak niyang si Ellie, kung saan ay patakbo pa nga itong lumapit sa kanya upang salubungin siya ng mahigpit na yakap. Lingid naman sa kaalaman ni Ellie, na may sorpresa para sa kanya ang Daddy Jake niya.

Kasunod ng video na ito ay ang pagbabahagi nga ni Jake ng larawan kung saan ay makikita na karga niya si Lilo, ang anak ni Andi sa partner nito ngayon na si Philmar Alipayo. Dito na nga hinangaan ng marami ang aktor, dahil makikita nga sa larawan ang pagiging malapit niya sa mga anak ng dati niyang girlfriend, sa kabila ng hindi naging maganda ang kanilang nakaraan.

Hindi naging lihim sa publiko, na sina Jake at Andi nga ay naging magkarelasyon noon, at ang kanila ngang relasyon ay nauwi sa hiwalayan, ngunit nagkarooon naman ng bunga ang naging pagmamahalan nila, at ito nga ay ang anak nilang si Ellie na pinapalaki at inaaruga nilang dalawa sa pamamagitan ng co-parentng set-up.

Samantala, narito naman ang mga komento ng mga netizens na humanga sa magandang samahan ni Jake sa mga anak ni Andi sa partner nito ngayong si Philmar.

“Ayyy.. nakaka-touch naman ang eksenang ito.”
“Wow… great friendship for a parents like you.”
“You’re such a good man Jake. I admire you a lot.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved