Connect with us

Entertainment

Sulyapan ang Masayang Pakikipag-Bonding ni Baron Geisler sa Kanyang Napaka-Cute na Anak na Si Tali sa Magandang Lugar ng Cebu

Noon ay kilala sa kanyang hindi magandang imahe ang aktor na si Baron Geisler, ngunit ngayon ay malaki na nga ang ipinagbago ng aktor, dahil mula sa pagiging isang matapang at walang kinatatakutan ay isa na nga siya ngayong mapagmahal, responsible at mabuting ama sa kanyang anak.

Credits: Baron Geisler | IG

Hindi naging lihim sa lahat na ang naging magandang pagbabago ng buhay ni Baron ay nagsimula ng kanyang makilala ang babaeng nagpatibok sa kanyang puso at nagturo sa kanya ng maraming mga mabubuting bagay, at ito nga ay ang kanyang asawang si Jamie Evangelista

Magmula ng makabuo ng kanyang sariling pamilya, at magkaroon ng anak, ay mas lalo pa ngang nag-iba ang pananaw ni Baron. Ang kanyang pagiging isang ama sa anak niyang si Tali, ang mas naging inspirasyon niya na mas pagbutihin ang kanyang sarili.

Credits: Baron Geisler | IG

Sa ngayon nga ay prayoridad ng aktor sa kanyang buhay ang binuo niyang pamilya, “Now, family comes first”, ayo nga kay Baron.

Makikita sa social media account ni Baron kung gaano niya pinagtutuunan ng pansin ngayon ang kanyang pamilya, lalo na nga ang kanyang anak na si Tali. Madalas ngang ibinabahagi ng aktor ang mga masasayang bonding moments nila ng kanyag baby girl, kung saan ay makikita kung gaano niya ine-enjoy ang buhay ngayon sa kanyang pagiging isang ama.

Credits: Baron Geisler | IG

Isa sa mga magagandang halimbawa ng nakakaaaliw na pakikipag-bonding ni Baron sa anak niyang si Tali ay ang naging pamamasyal nila sa isang theme park, at ito nga ay ang Paroro Park sa JPark Island Resort and Waterpark na matatagpuan sa Cebu.

Ibinahagi ni Baron sa kanyang social media account ang mga larawan at video kung saan makikita ang naging napakasaya na bonding nila ng anak niyang si Tali. Kapansin-pansin pa nga na todo suporta ang aktor sa lahat ng mga kinagigiliwang gawin ng kanyang anak.

Credits: Baron Geisler | IG

Kitang-kita sa mga larawan na tila hind inga lamang ang napaka-cute na si Tali ang nag-enjoy sa naging paglalaro at pamamasyal nila sa nasabing theme park, dahil makikita rin sa ama niyang si Baron ang naging kasiyahan nito habang sinasabayan ang paglalaro ng kanyang baby girl.

Ayon pa sa isang post ni Baron ay talaga namang nag-enjoy siya sa pakikipag-bonding niya sa anak niyang si Tali at sa pagiging isang bata muli na nakikipagsabayan sa mga naglalarong bata na karamihan ay halos kaedad lang ng anak niya.

Credits: Baron Geisler | IG

“I had fun being a toddler with the kids yesterday”, ani Baron.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved