Connect with us

Entertainment

Sana mahanapan naman nila ako ng time makasama”, Dennis Padilla Ibinahagi na Nangungulia sa Kanyang mga Anak na Matagal na Niyang Hindi Nakakasama

Kilala bilang isang komedyanteng aktor sa industriya ng showbiz si Dennis Padilla. At hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na kamakailan nga lamang ay nagkasakit ang aktor, matapos nga itong tamaan ng Covid-19.

Photo Credits to the Owner 

Kamakailan nga lamang sa isang panayam sa aktor, ay kanyang ibinahagi ang pangungulila niya sa kanyang mga anak sa dating aktres na si Marjorie Barretto. Inihayag din ni Dennis ang kanyang paghingi ng paumanhin kay Marjorie at sa kanilang mga anak, ang mga nagawa niyang pagkakamali noon.

Photo Credits to the Owner

At dahil itinuturing ni Dennis na pangalawang buhay na niya ang buhay niya ngayon matapos nga niyang tamaan ng Covid-19, ay nais nga niyang bumawi sa kanyang mga anak.
Bilang isang ama, ay talaga namang nami-miss na ni Dennis ang kanyang mga anak na si Julia, Claudia at Leon, na halos ilang buwan o taon na rin niyang hindi nakikita at nakakasama.

Nang makapanayam nga ni Ogie Diaz, si Dennis, isa sa mga kahilingan ng aktor ay ang muli niyang makasama ang kanyang mga anak. Dagdag pa niya, ay sana naman ay magkaroon ng oras ang kanyang mga anak na bisitahin siya.

Photo Credits to the Owner 

“Sana mahanapan naman nila ako ng time na makasama”, ani Dennis.

Pagbabahagi pa ng aktor, nami-miss na niya ang mga panahon na sinasabihan siya ng katagang ‘I love you’ ng kanyang mga anak, at batid niya na may pagkukulang at pagkakamali din siya kung bakit sa kasalukuyan ay hirap ang mga ito na muling sabihin ang salitang ito sa kanya.

Saad pa ng komedyante, talagang pinagsisisihan niya na hindi niya naipakita sa kanyang mga anak kung anong klase siyang ama.

Pag-amin pa ni Dennis, siya na ang gumagawa ng paraan na makausap ang kanyang mga anak, ngunit nakakaramdam nga siya ng “nakukulangan” dahil sa bihira din sumagot ang mga ito sa kanya. Ayon pa sa kanya, bilang isang ama ay talaga namang nais na niyang makausap at makasama ang kanyang mga anak, ngunit sobrang tagal nga ng mga ito sumagot sa kanyang mga mensahe tuwing kinakamusta at binabalak niyang kausapin ang mga ito.

Naiintindihan naman umano ng aktor kung bakit hindi lumalabas ang kanyang mga anak, ito nga ay dahil din sa panahon ngayon na may lumalaganap ngang Covid-19, ngunit para makasama nga ang mga ito, ay maari naman siyang magpa-test at dumaan sa mga proseso para masigurado ang kaligtasan ng kanyang mga anak kapag sila nga ay nagkita at nagkasama.

Credits: Leon Barretto | IG 

Matatandaan na ng ma-ospital at ma-ICU si Dennis at nabigyan nga ng pangalawang buhay matapos malagpasan ang tumamang karamdaman sa kanya ay doon niya napagtanto kung paanong kailangan pahalagahan ang buhay at mas lalong lumapit at pagtibayin ang pananampalataya sa Panginoong Diyos.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved