Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Successful Celebrity Mom sa Kabila ng Kanilang Pagiging ‘Single Mother’

Sa panahon ngayon ay marami tayong nakikilala na mga ‘single mother’, at may iba’t ibang kuwento sila kung bakit mas pinili nilang itaguyod ng mag-isa ang kanilang mga anak. Sa kabila nito, ay hindi sila dapat maliitin sa magiging pagpapalaki nila sa kanilang anak, sapagkat marami sa kanila ang kahit na mag-isa sa pagtataguyod sa kanilang anak, ay nagagawang palakihin ng maayos ang kanilang anak, inanagkaroon pa ng magandang karera at naging matagumpay pa sa buhay kaya naman talagang hahangaan ang kanilang abilidad bilang isang ina at babae.

Kagaya na nga lamang nito ay ang ilang mga celebrity mom na kilala natin sa mundo ng showbiz, dahil kahit na mga ‘single mom’ ay mga matatagumpay ring babae sa kanilang tinatahak na karera. Narito nga at Kilalanin natin sila.

1. Jennylyn Mercado

Tila talagang na kay Jennylyn na ang lahat ng magaganda sa mundo, dahil kahit siya’y isang single mom sa anak niyang si Jazz, ay napaka-ganda naman ng takbo ng kanyang karera bilang isang aktres. Idagdag pa ang pagkakaroon niya pa rin ng magandang hubog ng katawan. Mahal na mahal rin siya ng anak niyang si Jazz.

2. Bettina Carlos

Kahit na isang single mom ay makikita naman na napalaki ng maayos ni Bettina ang kanyang anak na si Gummy dahil sa murang edad nito ay isa na itong responsableng bata. Ang madalas ngang bonding na ginagawa ng mag-ina ay ang pagbi-bake at siyempre ang kanilang serbisyo sa pananampalataya nila.

3. Denise Laurel

Isang cool at very supportive mom si Denise Laurel sa kanyang anak, at kahit mag-isa nga niya itong tinataguyod ay makikita naman naa maayos at masaya ang buhay nilang mag-ina.

4. Ruffa Gutierrez

Matapos magbalik sa Pilipinas ay mag-isa na ngang itinaguyod ng actress-beauty queen na si Ruffa Gutierrez ang kanyang dalawang anak na babae na sina Venice at Lorin. Tumayo bilang isang mapagmahal na ina at madisiplinang tatay si Ruffa sa kanyang mga anak.

5. Kris Aquino

Kilala bilang anak ng dating Presidente at tinaguriang Queen of All Media sa showbiz si Kris Aquino, ngunit maliban dito ay isa rin siyang mapagmahal na ina sa kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby na kanya ngang itinaguyod mag-isa.

6. Sunshine Cruz

Hindi lamang mapagmahal na ina ang aktres na si Sunshine Cruz sa kanyang tatlong mga dalagang anak, kundi tila nga kapatid lamang siya ng mga ito dahil sa kanyang napaka-ageless beauty.

7. Vina Morales

Dahil sa kanyang pagiging isang single mom ay sinigurado ni Vina Morales na hands-on mom siya sa anak niyang si Ceana.

8. Jody Sta. Maria

Sa kabila ng mga busy schedules ni Jodi Sta. Maria , ay sinisigurado naman niya na hindi siya mawawalan ng panahon sa kanyang anak na si Thirdy. Madalas ang mother and son bonding ng mag-inang Jodi at Thirdy kapag walang trabaho ang aktres.

9. Sugar Mercado

Batid ni Sugar Mercado na hindi madali ang pagiging single mother, pero upang hindi maramdaman ang hirap sa pagtataguyod mag-isa sa kanyang mga anak ay ine-enjoy na nga lamang niya ang pag-aalaga at pagpapalaki sa mga ito.

10. Katrina Halili

Isang cool mommy naman si Katrina Halili sa kanyang anak, kung saan pagti-TikTok at baking nga ang madalas nilang bonding.
Maliban sa kanila ay marami pang mga celebrity single mom ang hinahangaan kagaya na lamang nina Jean Garcia, Charice Solomon, Meryll Soriano, Tuesday Vargas at Sunshine Dizon.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved