Connect with us

Entertainment

Sulyapan ang Magaganda at Masasayang Larawan ni Beauty Gonzales Kasama ang Anak Niyang si Olivia sa Isang Bakasyon

Tunay ngang masaya ang magbakasyon at mag-travel sa iba’t ibang mga lugar o bansa. At masarap itong gawin kung ang ‘yong kasama ay ang mga taong mahahalaga sa buhay mo, kagaya na lamang ng iyong pamilya at mahal sa buhay.

Credits: Beauty Gonzales | IG 

Sa mga celebrity na ating hinahangaan ay marami ang madalas at mahilig na mag-travel kasama ang kanilang pamilya, isa na nga sa mga ito ay ang aktres na si Beauty Gonzales.

Makikita sa Instagram account ni Beauty, ang hilig niya sa pagta-travel, at ang madalas nga niyang nakakasama ay ang kanyang asawang si Norman Crisologo, isang art collector. Ngunit magmula ng sila ay magkaroon na ng anak, ay kasama na rin nila ang anak nilang si Olivia sa kanilang mga travel.

Credits: Beauty Gonzales | IG 

Kagaya na nga lamang nito ay ang kamakailan lamang na pagbabakasyon ni Beauty sa bansang, kung saan ay kasama niya ang asawa niyang si Norman at kanilang anak na si Olivia.

Hindi naman maitatanggi na sa naging bakasyon na ito ng aktres kasama ang kanyang mag-ama, ay talaga namang nag-enjoy sila, lalo na nga ang kanyang anak na si Olivia, dahil nakapasyal ito sa Disneyland Paris.

Credits: Beauty Gonzales | IG 

Ibinahagi ni Beauty sa kanyang IG ang mga magaganda at masasayang larawan nila ng anak niyang si Olivia, kung saan ay masisilayan na sobra silang nag-enjoy sa paglilibot sa Disneyland sa Paris. Ayon pa nga sa aktres, nakapasakaya niya dahil muli ay tila naranasan niya ang maging isang bata habang nakikipagsabayan sa mga ginagawa ng kanyang sa Disneyland sa Paris.

Credits: Beauty Gonzales | IG 

“The Wisdom of the Ages seeps through theses wallas and fills every pore in my body with gratitude and peace. What a beautiful, wondrous place. So happy I got to experience this with my curious child”, ang naging saad ng aktres sa kanyang anging IG post kalakip nga ang mga larawan nila ng kanyang anak.

Matapos nga ang naging pamamasyal ni Beauty at ng anak niyang si Olivia sa Disneyland Paris ay iba’t ibang mga lugar pa nga umano ang pinuntahan nila. Ibinahagi rin ng aktres ang lahat ng mga ‘travel stories’ nilang mag-ina, kagaya na lamang ng naging pagsakay nila sa iba’t ibang mga rides ay paglilibot nila sa Art Galleries at Museums sa Paris.

Credits: Beauty Gonzales | IG 

“Survived two whole days in Disneyland Paris as part of an ex deal with Olivia, She endures the countless Art Galleries and Museums that Paris has to offer, we ride every possible ride we could possibly ride! And ride I did, twisty turny upsy daisies, Downy loudy 3D droppy. Phew… I rode them all. I fought my natural scaredy cat-ness and Even managed to impress myself, Good job Mama!”

Inilahad din ng aktres na sa kabila ng hindi biro ang pagod sa tuwing sila ay nagta-travel ay wala namang katumbas ang kasiyahan sa mga naiipon niyang magandang alaala sa mga lugar na pinupuntahan nila.

Credits: Beauty Gonzales | IG 

“Loving Life But needing a rest, this having fun thingy is tiring, Laughing and screaming for joy is a workout, it presses all the buttons on your body. I may need a vacation from this vacation but I’m not complaining, I’m the happiest AND luckiest girl in the world. Life is Beautiful.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved