Connect with us

Entertainment

Proud Mommy and Daddy Elisse Joson at McCoy de Leon, Masayang Ipinagdiwang ang Ika-7 Months Old ng Kanilang Cutie Baby Girl na Si Felize

Parang kailan lang ng isapubliko nina Elisse Joson at McCoy de Leon ang pagkakaroon nila ng napakaganda at napakabait na baby girl, at kasunod nga nito ay ang naging madalas na nilang pagbabahagi ng mga family photo nila at mga cute photo ng kanilang anak na si baby Felize.

At tunay ngang mabilis ang paglipas ng panahon, dahil ngayon ngang buwan ng Nobyembre ay tumuntong na sa ika-7 buwang gulang si baby Felize. At para sa kanyang monthly celebration, ay isang fancy party ang inihanda ng kanyang mga magulang na sina Elise at McCoy.

Sa kanyang Instagram account ay nagbahagi si Elisse ng mga larawan na kuha sa naging selebrasyon nila ng ika-7 months old ng kanyang baby girl na si Felize. Makikita sa mga larawan na ibinahagi ni Elise ang napaka-cute na si baby Felize na bakas nga sa mga ngiti at kinang ng mga mata ang kasiyahan nito habang nakikita ang mga makukulay na dekorasyon sa kanyang naging 7-month celebration.

Makikita rin na maliban sa mga makukulay na dekorasyon, may cake din si baby Felize sa kanyang ika-7 month old celebration, at nakabihis pa siya ng napakagandang damit.

May mga larawan din na ibinahagi si Elisse na ‘happy family’ sila, at ang iba namang larawan ay makikita ang mga masasarap na pagkain na inihanda para sa nasabing okasyon.

Maliban sa mga ibinahagi ni Elisse na larawan, ay nilakipan pa nga ito ng ngayon ay celebrity mommy ng si Elisse ng isang nakakaantig na mensahe para kay Baby Felize.

“Happy 7 months, Felize. It’s true what they say, time goes by so fast when you have a little one. “So we’ll treasure each moment with you cause next thing we know, you’ll be wanting to gimik na without mommy and daddy haha “

“Thank you @partystationphils(giant balloon structure) @sweetcreationsbymums(pretty and moist chocolate cake) @_illospartytrays(seafood and cochi) for making her simple celebration extra special,” ani Elisse sa kanyang IG post.

Nagkrus ang landas nina Elisse Joson at McCoy de Leon ng pareho silang maging housemates ng Pinoy Big Brother Lucky 7. Sa loob pa lamang ng Bahay ni Kuya ay nagkamabutihan na nga ang dalawa, hanggang ng sila ya lumabas na ng PBB house ang pagiging mag on screen partner nila ay nauwi sa totohanan.

Tulad ng ibang magkarelasyon ay dumaan rin sa pagsubok ang relasyon nina Elisse at McCoy. May panahon na sila ay nagkahiwalay, ngunit kamakailan nga lamang ay isinapubliko ni McCoy ang pagbabalikan nila ni Elisse, at noon nga lamang ika-31 ng Oktubre sa Pinoy Big Brother Komunity, ay masaya naman nilang isinapubliko ang pagkakaroon na nga nila ng anak, na pinangalanan nga nilang Felize McKenzie.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved