Connect with us

Entertainment

“Wala na kami”‘: Alodia Gosiengfiao, Kinumpirma sa Publiko Ang Paghihiwalay Nila ng Kanyang Boyfriend Na Si Wil Dasovich

Nitong Linggo, ika-14 ng Nobyembre nang gulatin ng celebrity cosplayer na Alodia Gosiengfiao ang publiko matapos niyang ianunsiyo ang paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend na si Wil Dasovich.

Photo Credits to the Owner

Sa kanyang Facebook account, ay kinumpirma ni Aldia ang paghihiwalay nila ng kanyang vlogger na boyfriend na si Wil. Ayon nga sa cosplayer, ay hiwalay na sila ng kanyang dating nobyo na bagama’t sinubukan naman nilang ayusin ang kanilang relasyon sa huli nga ay nagpasya na silang tapusin ang anumang namamagitan sa kanila.

“To those asking, wala na kami. It’s been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be.”

Photo Credits to the Owner

Dagdag pa ni Alodia, sana raw ay irespeto at bigyan sila ng privacy ng publiko sa mga ganitong sitwasyon ng kanilang buhay.

“I hope you respect our privacy during this time in our lives.”

Bagama’t, sinagot nga ni Alodia ang ilang mga katanungan, ay hindi niya naman nabanggit ang pangalan ni Wil. Ngunit, malinaw naman na ito nga ang tinutuloy ng cosplayer sa kanyang post dahil na rin sa samu’t saring espekulasyon na kumakalat sa social media. At para nga linawan na ang isyu ay binasag na ni Alodia ang kanyang pananahimik upang kumpirmahin ang kanilang paghihiwalay.

Photo Credits to the Owner

Hindi naman talaga madali ang pinagdadaanan ni Alodia matapos ang hiwalayan nila ni Wil. Marami sa kanilang mga tagahanga ang nalungkot sa kinahinatnan ng kanilang relasyon. At ang post nga ni Alodia, ay agad dinagsa ng napakaraming komento mula sa netizens na kung saan ay ipinadama ang pagmamahal sa kanilang idolo.

Pebrero 2018 nang ianunsiyo sa publiko ng dating magkasintahan ang kanilang relasyon na idinaan sa isang vlog ni Wil. Unang nagkakilala sina Alodia at Wil noong Abril 2017 sa Asia Awards, kung saan sila’y magkatunggali. Ang dati nga’y magkatunggali, ay nauwi sa malalim na pagtitinginan at pag-iibigan.

Hinahangaan naman ng marami ang pag-ibig ni Alodia kay Wil nang maharap ito sa matinding karamdaman, kung saan nga ay hindi siya umalis sa tabi nito. Hindi naman maikakaila ang kanilang dating matamis na pag-iibigan, ay talagang naghatid ng kilig sa kanilang mga fans.

Si Alodia Gosiengfiao ay isang cosplayer, model, vlogger at kilala rin bilang co-founder ng Tier-One Entertainment. Kinilala rin siya ng DOS Magazine bilang Most Influential Women in the Philippines. Ang Filipino-American model at vlogger na si Wil Lising Dasovich ay unang nakilala ng publiko matapos maging kalahok sa talent reality talent show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved