Connect with us

Entertainment

Napaka-Cute at Tunay na Kinagiliwan na Ring Bearer si Elias Modesto sa Araw ng Kasal ng Kanyang Mommy na Si Ellen Adarna

Nito lamang nakaraang ika-11 ng Nobyembre ay ikinasal na ang aktres na si Ellen Adarna sa kanyang fiancée na aktor na si Derek Ramsay.

Photo Credits to the Owner

Sa araw ng pag-iisang dibdib ng dalawa, ay hindi nga lamang sila ang naging agaw-pansin sa mata ng publiko, dahil napukaw rin ang atensyon ng madla sa napaka-cute at nakakagigil na ring bearer sa kasal, walang iba nga kundi ang anak ni Ellen Adarna, na si Elias Modesto.
Si Elias Modesto ay ang tatlong taong gulang na anak ni Ellen Adarna sa kanyang dating partner na si John Lloyd Cruz, na isa ring kilalang aktor sa industriya ng showbiz.

Photo Credits to the Owner

Talaga namang naging agaw pansin si Eliad bilang ring bearer sa kasal ng kanyang Mommy, lalo n’t nagpadagdag sa kanyang nakakagigil na kakyutan ang suot niyang ‘yellow and white outfit’ at ang kanyang buhok pa nga ay nakatali ng dalawang buns.

Kasabay ni Elias sa paglalakad sa aisle ay ang step-brother niyang si Austin Ramsay, at ang kanila ngang mga alagang aso na sina Riri at Corgi.

Isa sa mga dumalong bisita sa kasal nina Ellen at Derek na nag-captured nga ng kakyutan ni Elias sa kasal ng kanyang ina, ay ang Cebuana politician na si Ingking Villo-Yu. Ibinahagi nga nito ang videos sa kanyang Instagram stories, kung saan masisilayan ang kakyutan at nakakagiliw na si Elias sa kasal ng mommy nito.

Photo Credits to the Owner

Samantala, bago pa man nga ang naging seremonya ng kasal nina Ellen at Derek, ay tila nagkaroon pa ng bonding together si Elias at Derek, kung saan ang dalawa nga ay na-spottan na naglalakad ng magkasama. Ang larawan at video na ito ng dalawa ay makikita sa Instagram stories ng talent manager na si Van Soyosa at ganun din sa IG stories ng anak ni Beauty Gonzalez na si Olivia Ines.

Siyempre nagkaroon din ng kanyang bonding moments si Derek sa anak niyang si Austin, at ito ay kanyang ibinahagi sa Instgaram account niya, aat nilakipan ng caption na;

“The boys are in the house!#EDEtona #EllentaongnaghintaysiD.”

Photo Credits to the Owner

Matapos naman ang naging kasal ni Ellen at Derek ay makikita na ang napaka-kyut na anak ni Ellen na si Elias na enjoy sa pakikipaglaro sa ibang mga bata na nasa okasyon, kagaya na lamang ni Olivia Ines, ang anak nga ng aktres na si Beauty Gonzalez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roxy Coco (@roxycoco12)

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved