Connect with us

Entertainment

Toni Fowler, Ibinahagi ang Pagiging Magkaibigan Nila ng Kanyang Ex-Boyfriend na Si Rob at ng Bagong Girlfriend Nito

Matapos ang naging maingay na hiwalayan kamakailan lamang ni Toni Fowler sa kanyang dating boyfriend vlogger na si Rob Moya, ngayon nga ay in ‘good terms’ na ngayon bilang magkaibigan ang dating magkarelasyon.

Credits: Toni Fowler | YT

Matatandaan na hindi naging maganda ang naging paghihiwalay ng dalawa, dahil sa kumalat noon na screenshot ng conversation ni Rob sa di umano’y third party sa relasyon nila. Matapos ang ilang linggo, ay muling naging maingay ang pangalan ng dalawa, nang subukan ngang mag-sorry ni Rob kay Toni Fowler.

Credits: Toni Fowler | YT

Samantala, sa kabila ng mga nangyari sa ralasyon nina Toni at Rob, tila naman ngayon ay maayos na ang samahan ng dalawa bilang magkaibigan na lamang. Dahil kamakailan lamang ay tinulungan pa nga ni Toni ang dating karelasyon sa naging pag-sorpresa nito sa bagong girlfriend nito ngayon.

At muli namang pinatunayan ni Toni na talaga namang okay na okay na sila ng dating boyfriend, dahil nito lamang nakalipas na ika-15 ng Oktubre, araw ng Biyernes, ay ibinandera niya sa kanyang social media account ang pagiging magkaibigan nila ni Rob ngayon at maging ng bagong partner nito na si Jennifer del Rosario.

Credits: Toni Fowler | YT

Ibinahagi ni Toni ang larawan kung saan ay makikita na kasama niya si Rob at girlfriend nitong si Jennifer, kung saan ay nakaakbay pa nga si Rob sa kanilang dalawa ng kasintahan nito, at kitang-kita sa mga ngiti nila na talaga namang ‘in good terms’ na sila.

Sa caption ng larawan, ay sinabi naman ni Toni, na pwedeng maging kaibigan ang ex, at maging ang bagong karelasyon nito.

Credits: Toni Fowler | YT

“Pwede maging kaibigan ang EX”, ani Toni.

Dagdag pa niya, “Pwede mo din maging kaibigan ang bagong GF ni EX basta hindi in3mitida.”

Makikita naman sa social media account ng karelasyon ngayon ni Rob na si Jennifer del Rosario ang naging pagbabahagi rin nito ng kaparehong larawan na ibinahagi ni Toni, kung saan nga ay makikitang magkakasama sila [Jennifer, Rob at Toni] , habang si Rob ay nakaakbay sa kanilang dalawa ng dati nitong partner.

Credits: Toni Fowler | YT

Kalakip nito ay ang kanyang caption, kung saan ay sinabi nga niyang miss na niya si Toni, at nagpaalala na mas mainam na maging masaya lang sa buhay araw-araw at pairalin lamang ang pagmamahalan.”

“Ang saya tingnan ng pic na to kasi alam mong pure love & happiness lang [red heart emoji]

Napakaikli ng buhay para hindi maging masaya sa araw-araw!!!!

I miss u na agad mommy Oni, I love you both so much.”

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved