Connect with us

Entertainment

Tingnan Ang Napakaganda at Ubod na Mahal na Cartier Jewelry Ni Heart Evangelista na May Kabuuang Halaga ng P10.7 Million

Kitang-kita naman talaga sa aktres na si Heart Evangelista ang kanyang pagiging fashionista. Hindi maitatanggi na ang taste niya pagdating sa fashion ay kahanga-hanga magmula sa kanyang mamahaling damit, bag, sapatos at mga alahas.

Madalas ngang makita na sadyang napakaganda ni Heart sa kanyang suot na kung saan ay nagpapatunay na isa siyang fashion icon. At kamakailan lamang, ay muling pinatunayan ni Heart na hindi naman talaga basta-basta ang kanyang mga suot at mga alahas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Nito lamang ika-9 ng Oktubre nang ibahagi ni Heart sa kanyang YouTube Channel ang kanyang vlog na kuha habang siya’y nagbabakasyon sa Balesin Island Club.. Kasama ni Heart ang kanyang asawang si Chiz Escudero na nagdiwang ng kanyang 52nd birthday noong ika-10 ng Oktubre. At dito nga ay naispatan ang Kapuso actress na nakasuot ng Cartier bracelets, necklace, at watch; pares ng Louis Vuitton sunglasses, at indigo-colored bikini.

Habang nag-eenjoy sa kanilang quality time ang mag-asawa sa kanilang bakasyon, ay nakita kay Heart na suot niya ang 6 na pirasong Cartier Love bracelets sa kanyang right arm. At narito nga ang pagkasunod-sunod ng bracelets ayon sa nakakalula nitong presyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Ang nasa unahang bahago na nakasuot sa braso ni Heart ay isang diamond-paved Love bracelet na yellow gold. Sinundan naman ito ng isang rose gold version na may kaparehong design. At ang nasabing bracelets nga ay may price tag na nagkakahalaga ng USD44,500 o katumbas ng PHP2,261,823.75 bawat isa.

Photo credits: iamhearte | Ig

Sinundan naman ang rose gold bracelet ng isang Cartier’s small diamond-paved 18K yellow gold Love bracelet na nagkakahalaga naman ng $27,400 o PHP1,392,262.50.

Makikita rin sa braso ni Heart ang suot ang isang diamond-paved Love bracelet na white gold and ceramic na may presyong $43,300 o PHP2,173,660. Ang huling dalawang dangling sa kanyang right arm ay mga Cartier’s Love bracelet na 18K yellow gold na may kasamang 10 brilliant-cut diamonds at small Love bracelet na 18K white gold. At ayon sa website ng brand nito, ang mga nasabing bracelets ay maaaring bilhin sa halagang USD16,000 o PHP812,856, at USD4,800 o PHP244,015.20.

Photo credits: pep.ph

Maliban naman sa mga bracelets ay makikita ring may suot na relo si Heart sa kanyang kaliwang kamay, at ito ay isang Panthère De Cartier Watch. Ayon sa website ng brand nito, ito ay nagkakahalaga ng USD21,700 o PHP1,102,435.95. Pinaresan pa ito ng Panthère de Cartier Necklace, na nagkakahalaga naman ng USD9,700 o PHP492,793.95.

Photo credits: pep.ph

At ang kabuuan ngang halaga ng mga alahas na suot ni Heart habang nagbabakasyon sa Balesin Island ay umabot lang naman ng P10 Million.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved