Connect with us

Entertainment

Jennica Garcia, Inaming May Posibilidad na Magkaayos at Magkabalikan Sila ng Asawang si Alwyn Uytingco

Tila hindi pa huli ang lahat para sa dating mag-asawang sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, dahil tila nga may posibilidad pa na magkaayos at magkabalikan ang dating mag-asawa matapos ang naging hiwalayan nila.

Credits: Alwyn Uytingco | IG

Matatandaan na noong buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon ng kumpirmahin ng aktres na si Jennica Garcia na hiwalay na sila ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Sa kabila ng naging gusot ng pagsasama nilang mag-asawa, tila naman may pag-asa pang muling maayos ang kanilang pagsasama.

Nito lamang nakaraan kasi ay inihayag ni Jennica na nag-uusap na mulli sila ng asawa niyang si Alwyn. Dagdag na saad pa niya, nagiging paksa rin ng kanilang usapan ang posibilidad na sila ay magkabalikan.
Sa naging pahayag ni Jennica sa programa ng GMA-7 na 24-Oras nito lamang nakaraan, ay sinabi niya na nagpapasalamat siya sa Diyos dahil dininig nito ang kanyang panalangin at pinakahihintay. Ito nga ay ang muling pagbabalik ng kanyang asawang si Alwyn sa kanila.

Credits: Alwyn Uytingco | IG

“I am very thankful to Jesus because He heard my prayers. He gave what I was waiting for – Alwyn to comeback for us. He expressed his desire for family restoration”, ani Jennica sa 24-Oras.

Matatandaan na buwan ng Pebrero taong 2014 ng ikasal ang mag-asawang Jennica at Alwyn. Ang pagmamahalan nilang mag-asawa ay nagbunga ng dalawang magagandang chickiting, ito nga ay ang kanilang mga anak na sina Athena at Alessi.

Credits: Jennica Garcia | IG

Buwan naman ng Mayo taon ng kasalukuyan ng ibahagi ni Jennica sa kanyang Instagram account ang kanilag di umano’y “fresh starts”, kung saan ay ibinebenta na nga nila ang kanilang mga kagamitan dahil sa sila’y lilipat na umano sa kanilang bagong bahay ng kanyang dalawang anak.

Sa una ay hindi pa naging malinaw sa publiko ang naging paglipat ni Jennica ng bahay at ang pagbebenta niya ng mga kagamitan nila, ngunit pagdaan nga ng halos ilang linggo, ay kinumpirma na niya na hiwalay na sila ng kanyang asawang si Alwyn. Agad namang nilinaw ni Jennica na hindi pera ang dahilan ng naging paghihiwalay nila ng kanyang asawa, at sinabi na hindi niya nais na magmukhang masama ang kanyang asawa sa nangyari sa kanilang pagsasama.

Credits: Jennica Garcia | IG

Matapos naman ang ilang linggo, ay nagpalit ng Instagram username si Jennica kung saan ay inalis nga niya ang apelyidong Uytingco sa pangalan niya, at in-unfollow din niya si Alwyn.
Samantala, sa nangyari ay hindi naman inihayag ni Jennica kung ano ang tunay na dahilan ng hiwalayan nila ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved