Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napakagandang Condominium Unit na Ipinangako kay Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz na Nagkakahalaga ng P14 Million

Marami ang pinahanga ng weightlifter na si Hidilyn Diaz sa kanyang angking husay na ipinamalas sa nagdaang 2020 Tokyo Olympics kung saan ay naiuwi niya sa Pilipinas ang gintong medalya sa womens 55-kg weightlifting event.

At dahil nga karangalang ibinigay niya sa buong sambayanang Pilipino matapos maiuwi ang gold medal ay bumuhos rin ang biyaya at mga gantimpala para sa nakamit na tagumpay ni Hidilyn. Hindi naman maikakaila na talagang deserve ni Hidilyn ang makatanggap ng gantimpala dahil hindi rin naman madali ang kanyang mga pinagdaanan.

Sa dami ng mga ipinangakong gantimpala kay Hidilyn, isa sa kanyang natanggap na ay ang napakaganda at fully furnished na condominium unit na nagkakahalaga ng P14 Million. Ang condo na ito ay ipinagkaloob kay Hidilyn ni Andrew L. Tan ng Megaworld Corporation ay ito’y matatagpuan sa One Eastwood Avenue. Nito lamang ika-9 ng Agosto nang tuparin ng real estate tycoon ang kanyang pangako sa atleta.

Sa pamamagitan nga ng Megaworld Chief Strategy Officer na si Kevin L. Tan, ay natanggap na ni Hidilyn ang susi ng kanyang bago at napakagandang bahay na magsisilbing tahanan ng kanyang pamilya. Tiniyak naman ni Kevin, na magiging komportable at masaya ang pamilya ni Hidilyn sa bago nilang tahanan.

Maliban sa susi ng condo, ay ibinigay rin ni Kevin kay Hidilyn ang isang napakagandang artwork ng 21 taong gulang na arts student na si John Ken Gomez. Sa nasabing charcoal artwork ay masisilayan ang tagumpay ni Hidilyn matapos makamit ang gold medal.

Makikita naman na sadyang napakaganda ng condo unit ni Hidilyn, bukod nga sa fully-furnished ay moderno rin ang disenyo nito na mismong ang Megaworld ang nag-ayos. At ayon nga kay Kevin ay lilipat na lamang ang pamilya ni Hidilyn sa kanilang bagong tahanan dahil nakahanda na ang lahat ng kanilang kailangan rito. Ang fully-furnished na condo na may moderno at eleganteng disenyo ay may two bedrooms, kitchen, living room, at two bathrooms na may kasama ng mga fixtures, furniture, at appliances.

Bukod rito ay maeenjoy rin ni Hidilyn ang iba’t ibang activities sa condo lalo na nga’t may badminton court sa roof deck, may lap pool, sunbathing area, bar, at landscaped gardens rito. Mayroon rin itong gym kung saan nga ay may inilaan sa kanyang space para sa kanyang mga equipments para sa kanyang pag-eensayo.

Samantala, labis naman ang paghanga at pasasalamat ni Kevin kay Hidilyn, kung saan nga ay kanyang idinaan sa isang Instagram post, kalakip ang larawan nilang dalawa na kuha sa loob ng napakagandang condo ni Hidilyn.

“Having spent some time with her this morning, I am totally blown away by her humility and her dedication to her sport. It was indeed a very challenging road to the 2021 Tokyo Olympic games. But she marched on with so much commitment and perseverance and brought home our first Gold medal.”

“Maraming Salamat @hidilyndiaz for the pride and joy you have brought to all your Countrymen.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved