Connect with us

Entertainment

Sarah Lahbati, Ipinasilip ang Kanyang Magical Birthday Celebration Sa Kanilang Camping Trip Kasama Ang Kanyang Pamilya

Sa pagdiriwang ng ika-28 taong kaarawan ng aktres at celebrity mom na si Sarah Lahbati ay hindi nakaligtaan ng kanyang pamilya at ng kanyang asawang si Richard Gutierrez na pasayahin siya sa kanyang espesyal na araw. Sa halip nga na isang magarbong pagdiriwang, ay nagkaroon ng camping sa Tanay, Rizal ang pamilya ni Sarah.

Credits:Sarah Lahbati | IG

Hindi nga maitago ni Sarah ang kanyang labis na kaligayahan sa inihanda sa kanya ng kanyang pamilya. Kaya naman, masaya niya ring ipinasilip sa kanyang mga tagahanga ang masayang pagdiriwang ng kanyang 28th birthday.

Credits:Sarah Lahbati | IG

Sa Instagram, nito lamang Martes ika-12 ng Oktubre ay masayang ibinahagi sa Instagram ang ilang kuha ng mga larawan sa masayang pagdiriwang ng kanyang kaarawan kung saan ay pinasalamatan niya ang mga taong tumulong para maisakatuparan ang kanilang camping sa Tanay, Rizal. Maliban sa kanyang pamilya at asawang si Richard ay ipinaabot rin ni Sarah ang kanyang pasasalamat sa event stylist na si Gideon Hermosa at Nice Print Photography na siyang kumuha ng magagandang larawan.

Credits:Sarah Lahbati | IG

Hindi naman maikakaila na talagang nagustuhan ni Sarah ang naging pagdiriwang ng kanyang birthday. At inilarawan nga ang hindi makakalimutang kaganapan ng kanyang buhay sa mga salitang “epic” at “magical”. Naenjoy rin ni Sarah ang magandang tanawin sa kanyang kapaligiran na hatid ng kabundukan at damang-dama rin niya ang sariwang hangin.

Credits:Sarah Lahbati | IG

“and into the forest I go, to lose my mind and find my soul.’ can’t even begin to find the words to describe how epic and magical last weekend was.”

“drom bumpy and muddy roads to fresh air, mountains, and rivers. so so grateful for this experience at bulod.campsite and ellsworthcabin.”

Pinasalamatan rin ni Sarah sa kanyang post ang mga nagpaabot ng pagbati para sa pagdiriwang ng kaarawan.

“to everyone who greeted me, thank you from the bottom of my heart.”

Labis naman ang pasasalamat ni Sarah sa kanyang asawang si Richard na siyang pasimuno ng kanilang camping sa Tanay. Mababakas rin sa mensahe ni Sarah para kay Richard ang kanyang pagmamahal sa kanyang asawa.

Credits:Sarah Lahbati | IG

“lastly, to the brains & heart of this trip, our dada, my love richardgutz for turning this idea into reality. thank you for this unforgettable trip and for tirelessly working on making sure this was going to be epic for all of us. I LOVE YOU!.”

Noong ika-9 ng Oktubre naganap ang birthday ni Sarah at ngayon nga ay 28 taong gulang na.

Tunay nga na ang pagmamahalan nina Sarah at Richard sa isa’t isa bilang mag-asawa ay hindi kumukupas. Magkasama na sa buhay ang celebrity couple sa loob ng sampung taon. At talaga namang puno ng saya at pagmamahalan ang kanilang pagsasama kung saan ay biniyayaan ng dalawang anak na lalaki, sina Zion at Kai.

Credits:Sarah Lahbati | IG

Taong 2017 nang sila’y maengaged sa isa’t isa, at noong nakaraang Marso 2020 ay naganap naman ang kanilang pag-iisang dibdib sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved