Connect with us

Entertainment

Lyca Gairanod, Ipinahanap ang Matandang Mangangalakal na Kanyang Nakasabayan Noon Para Matulungan

Ang The Voice Kids Grandwinner na si Lyca Gairanod ay nagmula sa mahirap na pamilya. Sa murang edad nga ay mulat na siya sa hirap ng buhay, kung kaya’t talagang nagsumikap at pinatunayan ang kanyang talento sa pag-awit para mabago ang buhay.

Sa kanyang taglay na magandang tinig at husay sa pag-awit ay talaga namang marami ang pinabilib at pinahanga ni Lyca. Sa kanyang pang malakasang boses at husay bumirit, ay talagang pinatunayan ni Lyca na karapat-dapat siyang tanggahaling grandwinner.

Ngunit, hindi lamang talento ni Lyca ang hahangaan sa kanya kundi pati na rin ang kanyang napakabuting kalooban. At kamakailan lamang nga, ay pinabilib ni Lyca ang mga netizens matapos ngang hanapin at tulungan ang matandang si Lola Ising na dati niyang nakasabayan sa pangangalakal.

Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na bago pa man sumikat at maging maayos ang buhay ni Lyca ngayon, ay isa nga sa kanyang ikinabubuhay ay pangangalakal. At ang hanapbuhay na ito, ay hindi madali lalo na nga’t bukod sa nakakapagod, ay nakabilad rin sa matinding init ng araw. Idagdag pa dito ang dumi at mikrobyo na maaaring makuha na maaaring magdulot ng sakit. Ngunit, ang lahat ng ito ay nagawang tiisin ni Lyca para kumita ng pera sa pamamagitan ng pamumulot ng bote, plastic, at dyaryo.

Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

At ang hirap na ito, ay nararanasan parin ng matandang si Lola Ising na kahit na may edad na ay patuloy parin sa pangangalakal. Dahil nga minsan nang nakasabayan ni Lyca ang matanda sa pangangalakal, at hanggang ngayon ay nakikita parin ni Lyca ang matanda na nangangalakal, kaya naman hindi ito nawala sa kanyang isip kung kaya’t nagpasya siyang ipahanap ito para tulungan.

Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

Sa vlog ni Lyca ay kanyang ipinasilip sa kanyang mga manonoood ang ginawa niyang pagtulong kay Lola Ising. Ngayon na may kakayahan na si Lyca na tumulong sa iba, ay hindi niya pinalampas ang pagkakataong matulungan ang matandang nakasama niya sa pangangalakal noon.

Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

Makikita na ipinamili ni Lyca si Lola Ising ng groceries bilang tulong at pantawid na rin sa pang-araw-araw na pagkain ng matanda. Nang makita nga ni Lola Ising ang inihandang surpresa ni Lyca, ay hindi nito napigilan ang maiyak sa labis na kaligayahan. Labis ang pasasalamat ng matanda kay Lyca dahil sa tulong na ipinaabot ng singer.

Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

Habang kausap naman ni Lyca si Lola Ising, ay napag-alaman na halos tatlumpong taon na itong nangangalakal. At sa araw na iyon, ay masayang masaya si Lola Ising dahil hindi niya kailangang mangalakal dahil may ipapakain na siya sa kanyang pamilya.

Sa huli ay nagbilin naman si Lyca kay Lola Ising na magpahinga nang mabuti, dahil ng mga sandaling iyon ay may sakit pala ang matanda.

Marami namang netizens ang naantig ang puso sa ginawang pagtulong ni Lyca kay Lola Ising dahilan nga para ulanin ng paghanga at papuri ang batang singer.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved