Connect with us

Entertainment

Kylie Padilla, Hangad Parin Ang Kaligayahan ng Kanyang Dating Asawa na si Aljur Abrenica Sa Kabila Ng Kanilang Hiwalayan

Hindi biro ang hirap at sakit na naranasan ng aktres na si Kylie Padilla sa paghihiwalay nila ng kanyang dating asawa na si Aljur Abrenica. Ngunit, sa kabila nga nito ay naging matatag si Kylie para sa dalawa nilang anak. At kahit nga nauwi sa hiwalayan, ay mas minabuti pa rin ni Kylie na maayos silang maghiwalay at hangad pa rin kaligayahan sa buhay ni Aljur.

Credits: Kylie Padilla | IG

Sa isang exclusive interview ng PEP.ph, ay ibianahagi ni Kylie na hangad pa rin niya ang kaligayahan ni Aljur bilang ama ng kanyang mga anak sa kabila ng kanilang paghihiwalay. Ayon nga kay Kylie, kahit wala na silang relasyon at tanging ama na lang si Aljur ng kanyang dalawang anak na sina Alas at Axl, ay nais parin niyang maging masaya ito sa buhay.

“Alam niyo, gusto ko lang maging masaya siya sa buhay niya. Kasi, siya pa rin ang tatay ng mga anak ko. Kahati ko siya sa pagpapalaki sa kanila.”

Credits: Kylie Padilla | IG

Ayon pa sa celebrity mom, ay ayaw niyang maramdaman ng kanyang mga anak na hindi masaya ang ama ng mga ito. Kung kaya’t, nais parin ni Kylie na mahanap ni Aljur ang kaligayahan nito sa buhay.

“And kung nararamdaman ng mga anak ko na hindi masaya yung tatay nila, aba, hindi ko gusto yun. Gusto ko maramdaman nila na happy yung tatay nila,” dagdag pa niya.

Samantala, binigyang diin rin ni Kylie na anuman ang kinahinatnan ng relasyon nila ni Aljur, ay hindi umano ito kasalanan ng dalawa nilang anak. Sabi nga ni Kylie, sa kabiguan na nangyari sa kanila bilang mga magulang ay kailangan nilang bumawi. At ito nga ay ang maging masaya ang kani-kanilang sarili kahit pa magkahiwalay ang kanilang landas. Nais nga ni Kylie na makita ng kanilang mga anak na masaya sila pareho ni Aljur kahit sila’y nagkahiwalay. Sa ganitong paraan, ay mararamdaman parin raw ng kanilang mga anak na buo sila.

Credits: Kylie Padilla | IG

“Kasi failure namin as parents ‘yung nangyari, so kailangan na namin bumawi in some other way. Kailangan namang masaya in our own separate way,” saad ni Kylie.

“Para makita nila buo pa rin sila, ‘kasi happy yung parents ko,’ ganun pa rin sila. Gusto ko ganun sila mag-isip.”

Tila naman natagpuan na ni Aljur ang bagong taong magbibigay saya sa kanyang buhay sa katauhan ng seksing aktres na si AJ Raval. At ngayon nga, ay dating na ang estado ng relasyon nina Aljur at AJ kung saan ay hindi maiwasan na makatanggap ng negatibong komento mula sa publiko.

Habang si Kylie naman, matapos tanungin kung may nagpaparamdam na sa kanya, ay inamin nga ng aktres na wala pa siyang manliligaw at wala ring nagpaparamdam para makipagdate.

“Wala pa, e, marami akong friends, pero wala pa yung gusto akong mai-date. Wala pa.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved