Connect with us

Entertainment

Aktres na Si Dimples Romana, Labis ang Kasiyahan ng Matuto ng Magbisekleta sa Edad Niyang 36

Kadalasan na ang isang tao ay natutong gumamit at sumakay sa bisekleta kapag siya ay bata pa lamang. Ngunit, may ilan naman na hindi naranasan ang magbisekleta nung kanyang kabataan kaya naman hindi niya natutunan ang gamitin ito, at saka na lamang nga natutunan ng siya ay may edad na.

Credits: Papa Boyet | YT

Halimbawa na nga lamang nito ay ang aktres na si Dimples Romana, na nito lamang nakaraan lamang natutong sumakay at gumamit ng bisekleta, kung kailan siya ay nasa edad 36-taong gulang na.
Sa Instagram account ng aktres ay kanyang ibinahagi na hindi siya marunong magbisekleta, ganun din ang kanyang kapatid na si Bam Romana. At sa edad niya ngang 36 ay talaga namang tila nakaka-frustrate na hindi siya marunong mag-bike. Pero dagdag na saad ni Dimples, mabuti na lamang ay isang mapagpasensya at matiyaga ang kanyang napangasawang si Abet Ahmee.

Credits: Papa Boyet | YT

Nito nga lamang nakaraan, sa latest vlog ng mister ni Dimple na si Abet ay makikita ang video na ibinahagi nito kung saan ay tinuturuan niyang mag-bike ang kanyang misis at ang Brother-in-law niyang si Bam Romana.

Ayon nga sa mister ni Dimple na si Abet, na sa kahit anong edad pa ay maaring matutunan ang mag-bisekleta at proud siya sa kanyang misis at Brother-in-law dahil sa kahit may edad na mga ito ay pursigido na matuto ang mga ito na mag-bike.

Credits: Papa Boyet | YT

“Papatunayan natin sa lahat na hindi pa huli at may pag-asa pang matuto ng new skill kahit na sa anong edad ka pa hehe nakaka proud ‘tong si Mahal na reynan at ang bro in law ko na si Bam”, ang naging saad nga ni Abet sa kanyang vlog.

Makikita sa video vlog na ibinahagi ni Abet ang naging matiyaga niyang pag-alalay sa kanyang misis na si Dimples para makapag-balanse ito habang nagba-bike. Hindi naman maiwasan na sa una ay talagang gumegewang-gewang si Dimples, lalo pa’t di pa niya masyadong damay ang tamang pagbabalanse ng manibela ng bike.

Credits: Papa Boyet | YT

Sa halos ilang oras ngang pagpa-practice at pagtuturo ni Abet kay Dimples ay unti-unti na nga nitong natutunan ang pagbalanse ng bisekleta. Hanggang sa nakakapag-dirve na nga itong mag-isa ng bike, ng hindi inaalalayan ni Abet. Tuwang-tuwa naman si Dimples ng sa wakas ay natutunan na niya ang mag-bike.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved