Connect with us

Entertainment

Siya Si Claire Castro, Ang Napakagandang Kapuso Star na Anak ng Dating Mag-asawa na Sina Diego Castro at Raven Villanueva

May mga bagong artista sa industriya ng showbiz ang unti-unting sumisikat hindi dahil sa anak sila ng mga dating artista, kundi dahil na rin sa sarili nilang kakayahan at talento.

Credits: Claire Castro | IG

Isa na nga rito ang anak ng dating mag-asawa na sina Raven Villanueva at Diego Castro na si Claire Castro. Kilalang-kilala ng mga batang 90’s si Raven dahil isa siya orihinal na miyembro ng teen show na T.G.I.S ( Thank God It’s Sabado). Bilang orihinal na miyembro ng T.G.I S ay nakasama ni Raven sina Angelu De Leon, Bobby Andrews, Red Sternberg, at Michael Flores.

Napangasawa naman ni Raven ang aktor at heartthrob ng dekada 90 na sumikat sa GIMIk na si Diego Castro ngunit sa huli ang kanilang pagsasama ay nauwi sa divorce. Biniyayaan naman ang kanilang pagsasama ng isang napakagandang anak na gumagawa na ngayon ng kanyang sariling pangalan sa industriya ng showbiz bilang isang Kapuso star, siya si Claire Castro.

Credits: Claire Castro | IG

Bukod sa napakaganda at napakaseksi ng 23 taong gulang na si Claire ay hindi naman talaga maikakaila ang kanyang kakayahan at husay sa pag-arte. Taong 2018 nang pasukin ni Claire ang industriya ng showbiz bilang isang Kapuso star upang ipakita ang kanyang kakayahan at talento sa pag-arte.

Matatandaan na nag-viral ang mga litrato ni Claire noong nakaraang taon sa social media matapos masilayan ang kanyang kaseksihan sa kanyang suot na mga swinsuit sa isang summer photoshoot. At ngayon nga, ay muling naging laman ng social media ang aktres matapos naman ipamalas ni Claire ang kanyang angking husay sa pag-arte sa teleserye ng GMA Network na Nagbabagang Luha.

Credits: Claire Castro | IG

Dahil nga sa kanyang husay ay hindi maitago ang paghanga sa kanya ng beteranang aktres at kilalang director sa industriya ng showbiz na si Direct Gina Alajar. Kamakailan lamang nga, ay nagkaroon ng mainit na eksena ang Nagbabagang Luha, kung saan nga ay nakaeksena ni Claire si Direct Gina. At dito nga, ay pinatunayan ni Claire na hindi lamang siya anak ng mga artista, dahil talagang lumitaw ang kanyang natural na talento at kakayahan sa pag-arte.

Sa isang panayam nga kay Direct Gina, ay ipinahayag niya ang kanyang labis na paghanga sa rising star sa ipinamalas nitong husay at kakayahan.

“Okay siya! Napakaganda pa niya sa screen. Para sa isang newcomer na walang ka-experience-experience, tapos binigyan ng ganito kabigat na acting role, she passed it with flying colors.”

Credits: Claire Castro | IG

Minsan naman nang ibinahagi ni Claire sa isang panayam na pangarap niyang gampanan ang karakter ng mga kontrabida. Samantala, maliban sa Nagbabagang Luha ay nasilayan na rin ang husay ni Claire sa pag-arte sa The Lost Recipe (2021), Magpakailanman (2012), at Tadhana (2017). Napanood na rin siya sa Dragon Lady’ at Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.’

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved