Connect with us

Entertainment

Silipin ang Masayang Pagdiriwang Ng Ika-6th Birthday ng Anak nina Empress Schuck at Vino Guingona na si Athalia sa Zamboanga

Isa na namang panibagong buhay ang ipinagkaloob sa anak ng Empress Schuck at asawa nitong si Vino Guingona na si Athalia. Kamakailan lamang nang ipagdiwang ni Athalia ang kanyang ika-6 na taong kaarawan.

Credits: Empress Schuck | IG

At para pasalamatan ang isa na namang taong biyaya sa buhay ni Athalia ay naghanda ng isang masayang selebrasyon ang mag-asawang Empress at Vino para sa kanilang anak. Hindi naging hadlang ang nararanasang pandemya para magkaroon ng isang masayang pagdiriwang ang kaarawan ni Athalia na naganap sa Zamboanga.

Credits: Empress Schuck | IG

Sa Instagram ay masayang ibinahagi ni Empress ang ilang kuha ng mga larawan sa naganap na pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang anak. Makikita nga na ang masayang selebrasyon ay dinaluhan lamang ng kanilang pamilya at ilan nilang malalapit na kaibigan. Ang mga larawan ay nilakipan naman niya ng caption na:

“Happy 6th birthday our baby girl bonitaathalia! Parang kaka-birthday mo lang last year! Please stay our baby forever we love you so much.”

Credits: Empress Schuck | IG

Matatandaan na noong nakaraang taon, ay espesyal rin ang naging pagdiriwang ng kaarawan ni Athalia. At ito nga ay dahil sa mismong araw ng birthday ni Athalia, ay isang surpresa naman ang hatid ni Vino kay Empress. Hindi nga napigilan ni Empress ang maiyak matapos siyang alukin ng kasal ni Vino matapos ang ilang taong pagsasama bilang magkasintahan.

Sa Instagram, ay abot langit ang pasasalamat ni Empress dahil sa magandang plano ng Diyos sa relasyon nila ng kanyang long-time boyfriend na si Vino.

“And so this day has become even more special. It’s not just Athalia’s birthday anymore but also a new celebration of God’s intention. Thank you vinoguingona for doing it on her birthday and in this special home witnessed by my whole family. Wouldn’t have it any other way. Thank you to my siblings for helping Vino arrange this, to my parents’ blessing.”

Credits: Empress Schuck | IG

At nitong nakaraang buwan lamang ng Marso, anim na buwan matapos maganap ang kanilang engagement, ay nabigyang katuparan na ang pag-iisang dibdib nina Empress at Vino na naganap sa Tagaytay sa Hill Creck Garden sa pamamagitan ng isang intimate wedding ceremony. Hindi matatawaran ang saya ng mag-asawang Empress at Vino, na ngayon nga sila ay ganap nang mag-asawa.

Credits: Empress Schuck | IG

Matatandaan noong April 2015 nang ianunsiyo ni Empress ang kayang pagbubuntis na noon ay tatlong buwan pa lamang. At ang ama nga nito ay ang kanyang boyfriend na si Vino na mahigit isang taon na niyang nobyo. Pagsapit naman ng buwan ng Setyembre ng kaparehong taon, ay isinilang ni Empress ang isang napakacute at malusog na baby girl na pinangalanan nilang Athalia.

Credits: Empress Schuck | IG

Ang asawa ni Empress na si Vino ay dating model at kilala naman bilang grand son ng former Vice President na si Teofisto Guingona Jr. at pamangkin naman ni Senator Teofisto Guingona III. Sa ngayon ay pinasok na rin ni Vino ang mundo ng pulitika kung saan nga ay tatakbo siya bilang councilor ng Zamboanga City 2nd District.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved