Connect with us

Entertainment

Tingnan ang Napakagandang Louis Vuitton Blazer Ni Jinkee Pacquiao na Nagkakahalaga ng P165,000

Muli na namang naging sentro ng atensyon sa online world ang maybahay ni Senator Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao. Matatandaan na noong laban ni Manny sa Amerika ay hindi nagpakabog si Jinkee sa kanyang all pink OOTD na talaga namang napakaganda at mamahalin na halos P2.26 milyon ang halaga.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Kamakailan, ay agaw pansin na naman si Jinkee sa kanyang suot at pinatunayan ang kanyang fashionista sa kanyang Louis Vuitton blazer. Makikita ang pagiging simple ngunit napakaclassy na dating ni Jinkee sa kanyang suot nang ipakita niya ang kanyang buong suporta sa kanyang asawang si Sen. Manny Pacquiao nang magpahayag ito ng kanyang paghahain ng kandidatura sa pagkapresidente.

Nito lamang ika-1 ng Oktubre, araw ng Biyernes nang mag-file nang kandidatura sa pagkapresidente si Sen. Manny sa Commission on Elections sa Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay City. At makikita nga si Jinkee na napakagandang pagmasdan sa kanyang OOTD habang suot ang isang Louis Vuitton blazer na pinaresan niya ng white shirt at jeans. Mapapansin naman ang isang Philippine flag na naka-pin sa ibabaw ng lapel ng blazer ni Jinkee.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Ang blazer na suot ni Jinkee ay isa sa latest prêt-à-porter collection ng Louis Vuitton. At ito ay nilikha gamit ang technical gabardine fabric with a Monogram lining and engraved gold LV buttons. Samantala, ayon naman sa website ng Louis Vuitton, ang nakapa-classy na blazer na suot ni Jinkee ay nagkakahalaga ng AUD 4,500 o katumbas ng PHP165,984.17.

Hindi naman maikakaila na madalas mapansin ng publiko si Jinkee at madalas ring mabashed ng mga netizens dahil sa kanyang “ostentatious display of wealth”. Ngunit, hindi naman dito nagpaapekto si Jinkee, sa halip nga ay mas ipinakita niya na masaya siya sa kanyang mga isinusuot.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng publiko na kung anuman ang tinatamasang marangyang pamumuhay ng pamilya Pacquiao ay mula ito sa dugo’t pawis ni Manny at talagang ito’y kanyang pinaghirapan. Minsan na ngang ipinagtanggol ni Manny ang kanyang asawa mula sa mga bashers. At ayon nga sa Senador, ang kayamanang tinatamasa nila ngayon ay hindi mula sa nakaw kundi ito’y pinaghirapan.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

“Ano iyan, hindi iyan ninakaw sa gobyerno, hindi iyan ninakaw dun sa mga tao, kundi pinaghirapan ko iyan, pinaghirapan namin. Now, kung ano man meron kami, dream namin iyan. Sakripisyo, dugo, at pawis ang puhunan namin para kami maging masaya.”

Tunay nga na kahit anumang isuot ni Jinkee ay talagang lumulutang ang kanyang angking kagandahan. Hindi na rin naman maitatanggi na deserve talaga ng pamilya Pacquiao ang ienjoy ang mga bagay na kanilang tinatamasa dahil mula naman ito sa hirap at sakripisyo ni Manny bilang isang boksingero. Dahil rin sa kasipagan ng mag-asawang Jinkee at Manny, ay marami rin silang mga naipundar na mga negosyo at ariarian.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved