Connect with us

Entertainment

Nadine Lustre May Bago ng Pag-Ibig, Tuluyan ng Naka-Move On sa Hiwalayan Nila ni James

Isa sa mga kinakikiligan at talaga namang minahal ng publiko na tamabalan at real life couple noon sa mundo ng showbiz ay ang aktres na si Nadine Lustre at aktor na si James Reid.

Kaya naman ng kumpirmahin ng dalawa, na sila ay hiwalay na matapos ang ilang taon nilang relasyon, ay talaga namang marami sa kanilang tagahanga at tagasuporta ang nalungkot.

Samantala, ang iba ngang tagahanga at tagasuporta ng dalawa ay hindi naman nawawalan ng pag-asa na baka magkabalikan pa ang dalawa, dahil sa ilang mga ulat na lumabas noon ay sa kabila ng naging hiwalayan ay may mga pagkakataon pa rin na nagkakasama at nagkikita ang dating magkarelasyon.

Ngunit tila naman sa mga lumalabas na ulat ngayon, ay tuluyan ng nawalan ng pag-asa ang mga umaasa na magkakabalikan pa sina Nadine at James, o nakilala bilang tambalang Jadine, ito nga ay dahil sa mga nakaraang buwan ay may mga lumabas na ulat, na si Nadine ay may madalas na nakakasamang ‘French guy.’

Madalas ngang namamataan si Nadine ngayon na kasama ang isang French guy na kinilalang si Christophe Bariuo, na base sa Face bio nito ay isa itong founder at managing director ng Maison, isang boutique resort na matatagpuan sa Sito Lisub sa Isla ng Siargao. Ayon sa ilang mga lumabas na ulat, si Christophe Bariuo ay mula sa Saint-Michel-sur-Orge sa France.

Tila nga naman tuluyan ng nakamove-on si Nadine sa naging hiwalaan nila ng dati niyang nobyong si James Reid, dahil sa mga kumakalat na larawan ngayon ng aktres na madalas nga nitong nakakasama si Christophe ay mapapansin ang pagiging kumportable nila sa isa’t isa.

Hindi rin naman itinatago ng dalawa sa publiko ang pagiging malapit nila, sa kabila ng walang kumpirmasyon kung sila na nga ba. Ilang mga larawan nga ang nagpapakita ng pagiging sweet nila, kagaya na lamang ng mga kumakalat ngayon kung saan ay magka-holding hands silang dalawa.

May ilan ding mga larawan sina Nadine at Christophe na nakunan nung sila ay nasa Siargao, na kita naman ang pagiging malambing din nila sa isa’t isa.

Sa kasalukuyan ay walang ibinabahagi si Nadine Lustre kung ano nga ba ang tunay na estado ng buhay pag-ibig niya ngayon.

Sa kabila nito, para naman sa kanyang mga tagahanga, tanging hiling lamang nila ay ang makitang masaya ang kanilang hinahangaan at iniidolong singer pagdating sa buhay pag-ibig nito.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved