Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Napakagwapong Anak ni Mega Star Sharon Cuneta na Naninirahan sa Bansang Amerika

Si Mega Star Sharon Cuneta ay isa lamang samga batikang singer-actress sa mundo ng showbiz. Mula ng pasukin niya ang showbiz, ay naging bukas na sa publiko ang kanyang pagkatao at pamumuhay.

Batid ng marami sa atin na si Sharon Cuneta ay ikinasal noon sa gwapong aktor na si Gabby Concepcion, at nagkaroon nga sila ng isang anak na babae, ito ng ay ang napakagandang singer-actress na si KC Concepcion. Matapos ang halos ilang taon na pagsasama ay naghiwalay nga sina Sharon at Gabby, hanggang sa muli namang ikasal si Mega Star sa kanya ng asawa ngayon na si Kiko Pangilinan.

Credits: Sharon Cuneta | YT

Sina Frankie, Miel at Miguel naman ang anak ng mag-asawang Sharon at Kiko na halos kilala na rin ng publiko ang mga ito.

Credits: Sharon Cuneta | YT

Tila nga naman dahil sa pagiging bukas lagi ni Mega Star sa kanyang buhay, at parang wala na nga itong itinatago pa. Ngunit nito lamang nakaraan ay isang pagbubulgar ang ibinahagi ni Sharon na nagpagulat sa mga netizens.

Ibinahagi ng ani Sharon ang patungkol umano sa isa pa niyang anak na kailanman ay hindi pa niya naisasapubliko. At sa pamamagitan nga ng kanyang latest vlog, ay ipinakilala na ni Mega Star sa kanyang mga tagasubaybay ang diumano’y tinutukoy niyang isa pa niyang anak.

Ang tinutukoy ng ani Mega Star na isa pa niyang anak ay si Curtis, na naninirahan sa bansang Amerika kung saan ito ay isang sundalo at miyembro ng US army.

Credits: Sharon Cuneta | YT

Alam naman natin na sa kasalukuyan ay nasa Las Vegas si Mega Star, kung saan siya ay nagbabakasyon kasama ang kanyang ilang malalapit na kaibigan at kapamilya.

Sa bagong update ni Mega Star ay kanya nan gang ipinakilala ang kanyang di umano ay isa pang anak, ito nga ay ang kanyang pamangkin na si Curtis na ang turing na nga niya ay sarili niyang anak.

Ayon kay Mega Star, sana raw ay naging tunay niyang anak ang pamangkin na isa ngang sundalo, dahil ito ay itinuturing din niya na kanyang ‘pride and joy.’

“I’m with my son Curtis. I’m so happy to see him. He looks like me. He looks like tatay, my dad”, ang naging saad ni Mega Star.

Dagdag pa ni Mega, kulang na lang ay siya ang nagluwal kay Curtis, “Napakagwapo, iyan ang lahi namin.”

Kuwento naman ng pamangkin ni Sharon na si Curtis, siya nga ay miyembro ng US Army at isa siya sa mga leader ng sniper section. Humirit naman si Mega Star,na marahil ay sa kanya namana ng pamangkin ang pagiging mahusay nito bilang isang sharp shooter.

Credits: Sharon Cuneta | YT

“I don’t just fire and fire and fire like some people. I actually aim!!!”, ani Mega na sinang-ayunan naman ng pamangkin niyang si Curtis.

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved