Connect with us

Entertainment

La Vida Lena Star Erich Gonzales, Ibinida sa Kanyang Social Media Post ang Napakagandang Boquet na Regalo sa Kanya ni Kris Aquino

Isa sa mga mahuhusay at magandang aktres sa industriya ng showbiz na nagdiwang ng kanyang kaarawan nu’ng buwan ng Setyembre ay ang “La Vida Lena” star na si Erich Gonzales. At sa espesyal na araw ng kanyang buhay, ay bumuhos naman ang mga pagbatipara sa kanyang kaarawan mula sa mga tagahanga niya, kapamilya at malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showzbiz.

Maliban pa nga sa napakaraming mga bumati sa aktres, ay isang kilalang personalidad samundo ng showbiz ang mas lalong nagpa-espesyal sa kaarawan ni Erich.

Noon ngang kaarawan ng aktres, ay nakatanggap siya ng napakagandang sorpresa mula kay Kris Aquino at sa dalawang anak nito na sina Bimb at Joshua. Labis naman ang kaligayahan ni Erich, dahil sa talaga namang napakaganda ng ‘bouquet of flowers’ na ibinigay sa kanya nng pamilya Aquino.

Instagram account ay ibinida ni Erich ang napakaganda at napakalaking bouquet, at kalakip nito ay ang mensahe niya ng pasasalamat para sa mag-iinang sina Kris, Bimbs at Josh.

“These flowers and your touching letter made my birthday extra special”, ang mababasang caption ni Erich sa kanyang Instagram post. Kitang-kita naman sa mga ngiti ni Erich ang kasiyahan niya sa surprise gift na ito sa kanya nina Kris, Joshua at Bimby.

Credits: Erich Gonzales | IG 

Dagdag na saad pa ni Erich, Thank you Ate Kris, Kuya Josh, and to the cutest delivery man Bimb for the sweet surprise. I love you too for life, @krisaquino.”

Sino ba naman ang hindi maliligayahan, kung ikaw ay binigyan ng bouquet of flowers, hindi ba? Pero hindi lang basta bouquet ang natanggap ni Erich mula sa pamilya ni Kris, dahil ito ay napakaganda at napakalaking bouquet of flowers na binubuo ng kumpol na bulaklak ng rosas na kulay white at pink. Makikita rin sanasabing bouquet ang isang pink card na may nakalagay na pangalan ni Erich.

Ayon nga kay Erich ay sobra niyang na-appreciate ang touching gesture ng pamilya, at lallo na’t ayon pa sa kanya ay mismong si Bimby ang naghatid sa kanya ng napakaganda at napakalaking bouquet of flowers.

Credits: Erich Gonzales | IG 

Hindi maikakaila na si Erich Gonzales ay talagang malapit sa pamilya ni kris Aquino, kung saan itinuturing nga ng aktres si Kris bilang ang kanyang “ate”, samantalang “panganay na anak” naman ang turing ni Kris Aquino kay Erich.

Matatandaan na noon ay nag-overnight si Erich sa tahanan nina Kris, ito nga ay matapos niyang i-rush sa hospital at ang nais nga ni Kris ay ito mismo ang mag-alaga sa kanya sapagka’t panganay na anak na nga ang turing niya sa aktres.

Ipinagdiwang ni Erich ang kanyang ika-31 taong kaarawan noong ika-20 ng Setyembre taon ng kasalukuyan.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved