Connect with us

Entertainment

Jessa Zaragoza, Ikinuwento ang Naging Nakakakaba Ngunit Masayang Experience Niya sa Pagsakay sa Kabayo sa Bansang Amerika

“What an amazing experience to be able ride a horse.”

“Akala ko nung una, parang experience ko lang sa Baguio, konting oras ng sakay lang tapos may guide na malapit lang sayo, tinuturuan ka. Gosh, itong ginawa naming we rode the horses for 3 miles! Basically, you were left to your own devices.”

Credits: Jessa Zaragoza | IG

Ito ang naging pagbabahagi ni Jessa sa kanyang Instagram post, matapos nga niyang maranasan ang sumakay sa kabayo sa ibang bansa ng sila ay magbakasyon ng kanyang asawang si Dingdong Avanzado at anak na si Jayda sa bansang Amerika.

Kamakailan nga lamang ay nagbakasyon si Jessa kasama ang kanyang asawa at anak sa bansang Amerika. At dito nga ay ipinakita ng mahusay na singerang kanyang pagiging adventurous ng subukan niyang sumakay sa kabayo.

Credits: Jayda | IG

Makikita sa Instagram account ni Jessa ang mga larawan na kanyang ibinahagi kung saan nga siya’y enjoy na nakasakay ng kabayo. May iba pa ngang larawan na makikita naman silang magpamilya na halatang enjoy na enjoy sa kanilang bakasyon.

Samantala ayon kay Jessa, hindi niya inakala na milya-milya ang lalakbayin nila habang nakasakay sa kabayo, dahil ang pag-aakala niya ay tulad lang ito ng naging karanasan niya sa bagyo na halos saglit lang siyang sumakay sa kabayo at malapit lang ang nilakbay nito. Idagdag pa na may taong nakaalalay sa kabayo, habang siya ay nakasakay.

Credits: Jayda | IG

Ikunwento nga ni Jessa na talaga namang para sa kanya ay nakaka-kaba ang ‘experience’ niyang ito, dahil sa ang kanilang naging guide habang sila ay naglalakbay sakay ng kabayo ay medyo malayo sa kanila, at ito nga ay nagngangalang si Brooke.

Ayon sa kanya, kahit naman malayo si Brooke ay nagbibigay ito ng tamang ‘tips’ kapag napapansin na nitong may mali sa ginagawa nila habang nakasakay sila ng kabayo.

Credits: Jayda | IG

Talaga namang ‘extra ordinary’ para kay Jessa ang karanasan niyang ito, lalo na’t nakaramdam talaga umano siya ng nerbyos dahil sa ang kabayong sinasakyan niya na si “Luke” pag nainis ay nag-aalburuto. Ngunit sa kabila nito, ay aminado naman siya na isa ito sa masayang bakasyon nila ng kanyang pamilya, at talaga namang nag-enjoy sila.

“Just imagine my nerves during the whole time. Minsan nag-aalburuto pa tong horse kong si Luke.”

“Pag naiinis siya nagiging pasaway! Haha pinagpawisan ako kay Luke sa Troth after, after ng ride feeling ko nag-workout ako ng bonggang bongga. But the whole experience was one of the books. Nerves and Happiness combined”, ani Jayda.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved