Connect with us

Entertainment

Sweet Bonding Moments ng Mag-Fiancee na Sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, Naghatid ng Kilig sa Kanilang Mga Fans sa Kanilang Surfing Lesson

Matapos ang mahabang panahon na hindi nagkaroon ng oras sa isa’t isa ang mag-fiancee na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, sa wakas nga ay nagkasama na sila nang silang dalawa lang. Magmula nang magbuntis hanggang sa manganak si Andi sa kanyang bunsong anak na si Baby Koa ay hindi pa niya nakakasama si Philmar para magkaroon ng bonding moments nang silang dalawa lang.

Credits: Philmar Alipayo | IG

At kamakailan lamang nga, ay nabigyan ng pagkakataon ang dalawa para sulitin ang bawat sandali nang silang dalawa lang. Kahit nga abala sa mga responsibilidad bilang mga magulang, ay mahalaga pa rin na mabigyan ng oras ang ating mga partner. Kaya naman, hindi pinalampas ng mag-fiancee ang sandali para sila’y magkaroon ng sweet bonding moments.

Credits: Andi Eigenmann | IG

Ang partner ni Andi na si Philmar ay kilalang champion surfer, at dahil nga sila’y nakatira sa isla ng Siargao ay isa sa kanilang nagsisilbing bonding moments ay ang surfing. Noong mga nakaraag buwan ay nakita ang pagpapakitang gilas nina Ellie at Lilo sa kanilang surfing lesson kasama si Philmar. Dahil nga naturuan na niya ang mga bata, sa kanilang bonding moments naman ni Andi, ay naisip ni Philmar na turuan rin niya ng surfing ang dating aktres.

Credits: Philmar Alipayo | IG

Noong nakaraang Setyembre 10 nang ibahagi ni Philmar sa kanyang Instagram ang kuha ng mga larawan sa naganap na surfing lesson nila ni Andi. Makikita sa unang larawan na may dala-dalang isang malaking kulay puting surfing board ang dating aktres. Habang sa pangalawang larawan naman ay masisilayan ang kasweetan sa isa’t isa nina Andi at Philmar habang magkayakap dahilan nga para kiligin ang mga netizens.

Sa caption naman ng kanyang post, ay sinabi ni Philmar, na matagal na niyang gustong turuan mag-surf si Andi para mas lalo pa itong maging mahusay.

Credits: Philmar Alipayo | IG

“Always been wanting to bring her for a surf like this! Took her a lil surf today and give all I can to make her improve everyday like always. Love you long time my love”.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na marunong nang mag-surfing si Andi, ngunit ang nais nga ni Philmar ay mas matuto pa ang kanyang fiancee. Hindi naman maitago ni Andi na kinilig siya sa sweet na mensahe ni Philmar at sinabi na excited na rin siya sa susunod nilang surfing lesson.

Credits: Philmar Alipayo | IG

“AWWW SWEET!!! salamat mahal ko! Can’t wait for next chance to surf with you.”

Ibinahagi rin ni Andi sa kanyang Instagram ang sweet photo nila ni Philmar at sa caption ng kanyang post ay sinabi niyang sa kabila ng pagiging abala bilang isang nanay ay kailangan ring bigyan ng “me time” ang sarili paminsan-minsan. At para sa kanyang “me time” ay mas pinili niyang makasama ang kanyang partner na si Philmar.

“Not used to doing activities without the kids anymore, but I keep forgetting that moms need and deserve some “me time” too.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved