Connect with us

Entertainment

Herlene “Hipon” Budol, Labis Ang Tuwa Matapos Surpresahin ni Ivana Alawi ng Isang Brand New Iphone 12

Walang pagsidlan ng tuwa ang aktres at TV host na si Herlene Budol o mas kilala ng lahat bilang “Hipon” matapos makatanggap ng isang brand new Iphone 12 mula sa sikat na aktres at vlogger na si Ivana Alawi.

Credits: Harlene Hipon Budol| Facebook

Hindi inaasahaan ni Herlene na makakatanggap siya ng isang surpresa mula kay Ivana matapos niyang mag-guest sa latest vlog nito at maging kasabwat para i-prank ang kapatid nitong si Hashim Alawi. Hindi naman maikakaila ang ipinakitang husay sa pag-arte ni Herlene para mapaniwala si Hashim para maging matagumpay ang prank.

Credits: Harlene Hipon Budol| Facebook

Dahil nga, madalas na ring gumanti ng prank si Hashim kay Ivana ay pagkakataon na para ang seksing aktres naman ang gumawa ng prank sa kanyang kapatid. At ang naisip nga ni Ivana ay magkaroon sila ng challenge ni Hashim. Ngunit, hindi alam ni Hashim na isa palang prank ang naghihintay sa kanya na inihanda mismo ni Ivana sa lugar na kanilang pinuntahan.

Ang challenge nina Ivana at Hashim ay humingi ng cell phone number ng iba’t ibang tao na kanilang makakasalubong sa Bonifacio High Street at kung sino ang may pinakamaraming makuhang number, ay siyang mananalo.

Credits: Harlene Hipon Budol| Facebook

Natapos naman nina Ivana at Hashim ang unang bahagi ng challenge, pero hindi pa pala dito natatapos ang pakulo ni Ivana. Dahil nagkunwaring nagugutom ang aktres at nag-ayang kumain sa isang restaurant kung saan ay naroon at nakapwesto na si Herlene para maging kasabwat sa prank na gagawin kay Hashim.

At nang maispatan na ni Ivana si Herlene ay itinuro ito kay Hashim at sinabi na kunin nga ang numero ng magandang babae, na hindi nakilala ni Hashim na ito’y si Herlene dahil sa suot nitong wig. Bagama’t, nag-aalinlangan ay sinunod parin ni Hashim ang utos ni Ivana na kunin ang numero ng babae, na lingid sa kanyang kaalaman ay si Hipon Girl pala. Agad namang binigay ni Herlene ang kanyang number kay Hashim.

Credits: Harlene Hipon Budol| Facebook

Nagkunwari naman si Herlene na kilala niya umano si Hashim at nagagwapuhan siya rito sa personal. Hanggang sa niyaya ni Herlene si Hashim na umupo, at makipagkwentuhan. Ngunit, maya-maya lamang ay dumating ang nagngangalang “Kelly” na boyfriend pala ng babaeng kausap ni Hashim. At dito na nga nagsimula ang tensyon nang sabihin ni Herlene na hiningi nga raw ni Hashim ang kanyang cellphone number at nagawa pang makipagkwentuhan.

Sa madaling salita, ay binaligtad ni Herlene ang sitwasyon para nga maprank si Hashim. Bigay todo naman ang pag-arte ni Herlene at ng kasama niyang si Kelly para magmukhang makakatotohanan ang eksena. Hanggang sa nagkunwari na rin si Ivana na galit, at nakisali na rin sa gulo ngunit tila nasaktan naman si Hashim sa di umano’y pambabastos ni Kelly kay Ivana nang sabihin na hindi niya ito kilala at hindi rin kagandahan.

Tila nga epektibo ang kanilang pag-arte, dahil sa gitna ng mainit na tensyon ay hindi naman nagdalawang isip si Hashim na umalma para ipagtanggol ang kanyang kapatid na si Ivana. At dito nga ay isiniwalat na nila na prank lamang ang lahat, para matigil na ang mainit at makapigil hiningang eksena na talagang aakalain na totoo dahil sa husay nilang umarte.

Credits: Ivana Alawi | IG

Hindi nga napigilan ni Hashim ang matawa dahil matagumpay na naman siyang naprank ni Ivana. Samantala, bilang ganti at surpresa na rin ni Ivana kay Herlene dahil sa pagtulong nito sa kanya para maprank si Hashim, ay isang brand new Iphone 12 ang natanggap ni Herlene.

Labis ang tuwa ni Herlene at talagang nagulat siya sa surpresa ni Ivana. Pagbibiro naman ni Herlene, ay sakto raw ang pagbibigay ng Iphone 12 ni Ivana sa kanya dahil hindi pa bayad ang ginagamit niyang cellphone ngayon. Maliban rito ang nakatanggap rin si Herlene ng love gift mula kay Ivana na kung saan ay nakalagay naman sa isang sobre.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved