Connect with us

Entertainment

Tingnan: Throwback Photos ni Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama, Ipinakita ang Pagkakahawig ng Mag-ina

Hindi maipagkakaila na isa si Ruffa Gutierrez sa may pinakamagagandang mukha sa industriya ng showbiz. Sa murang edad pa lang ay pinasok na ni Ruffa ang mundo ng showbiz bilang parte ng isang show na That’s Entertainment.

Dahil sa kaniyang kagandahan at galing sa pag-arte ay agad siyang sumikat at nagkaroon ng maraming proyekto gaya ng Hulihin: Probinsyanong Mandurukot at iba pa. Sumali rin siya sa ilang patimpalak para sa pagmomodelo sa New York. Mas dumami naman ang kaniyang mga naging tagahanga nang siya ay sumabak sa mga pageant. Siya ay nanalo bilang 1993 Miss World 2nd Runner Up.

Kahit noong siya ay nagkapamilya na, patuloy pa rin ang pagsikat ng beauty queen at aktres. Naging modelo siya ng mga magazine katulad ng Metro, Mega, Preview, at iba pa. Tuloy-tuloy rin ang kaniyang mga palabas. Naging host din si Ruffa sa The Buzz at Eat Bulaga. Dahil sa kaniyang karanasan sa pageant at pagmomodelo ay naging judge rin siya sa Philippines’ Next Top Model.

Ngayon ay sikat na sikat pa rin si Ruffa at patuloy na pinag-uusapan lalo na ang kaniyang dalawang anak na siguradong nagmana ng kaniyang kagandahan. Bukod kay Ruffa, nakilala din ang kaniyang mga kapatid na si Richard at Raymond sa mundo ng showbiz.

Hindi naging posible ang lahat ng tagumpay na ito kung hindi dahil sa ina ni Ruffa na si Annabelle. Bagamat kilala si Annabelle bilang manager ng kaniyang mga anak, matatandaang mas nakilala siya bilang isa sa mga pinakamagagandang aktres lalo na noong kaniyang kabataan.

Siya ay may lahing Chinese at Spanish kaya naman mas naging kahanga-hanga ang kaniyang kagandahan. Nagkaroon siya ng mga pagganap sa iba’t ibang pelikula gaya ng Umaapoy na Bakal, Adiong Sikat ng Tondo, Love for Hire, at iba pa.

Naging cover din siya ng iba’t ibang mga magazines. Sa mga lumang litrato ng batikang aktres, kapansin-pansin din ang pagkakahawig nila ng kaniyang anak na si Ruffa. Maging si Ruffa ay nagpost din ng ilang throwback pictures nila ng ina sa Instagram.

Pero para kay Ruffa mas maganda at sexy pa rin si Annabelle. Talaga nga namang hindi maipagkakaila na namana ni Ruffa ang kagandahan ng kaniyang ina.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved