Connect with us

Entertainment

“Kasi parang strong woman siya talaga”: Andrea Torres, Bumilib at Proud sa Pagiging Strong Woman ng Aktres na si Kylie Padilla Dahil Hindi Na Nito Kailangan ng Advice

Hindi maiwasan ng Kapuso actress na si Andrea Torres ang humanga sa kanyang co-star na si Kylie Padilla. Ito nga ay dahil matapos ang kabiguan ng puso ni Kylie mula sa paghihiwalay nito sa dating asawa, ay nakita ni Andrea ang pagiging strong woman ng kanyang kaibigan. Sa kabila kasi ng pagsubok na pinagdaanan ni Kylie, ay naging matatag ang aktres para sa kanyang dalawang anak.

Credits: Kylie Padilla | IG

Nagkasama sina Andrea at Kylie sa eight-episode mini-series na BetCin. At nag mini series na ito na kanilang pinagtambalan ay hindi nila inaasahan na tatangkilikin at magugustuhan ng mga manonood. Nag-trending pa nga ang ilang litrato at videos na kanilang ibinahagi sa kani-kanilang social media accounts. Makikita naman kasi ang magandang chemistry nila Andrea at Kylie sa mga karakter na kanilang ginampanan kaya naman talagang pumatok ito sa publiko.

Credits: Andrea Torres | IG

“Nagulat kami, nagulat kami sa reception. And even po yung mga kasama namin sa BetCin, nagulat sila na ganito iyong reaction ng mga tao.”

Masaya naman si Andrea para kay Kylie sa muli nitong pagbabalik sa showbiz upang muling patunayan ang talento sa pag-arte. Matatandaan na ang huling proyekto ni Kylie ay noong 2019 pa sa TODA One I Love, isang series na ipinalabas sa telebisyon. At ito ay kanyang ginawa matapos niyang isilang ang pangalawang anak nila ni Aljur Abrenica na si Axl Romeo.

“Happy ako kay Kylie kasi feeling ko, ito yung perfect comeback sa kanya.”

Credits: Kylie Padilla | IG

Mas lalo namang napahanga si Andrea kay Kylie, dahil hindi naman niya inaasahan na habang ginagawa nila ang BetCin, ay may pinagdadaanan pala ito. At kasabay nga nito, ay ang paglabas ng balitang paghihiwalay nina Kylie at dati nitong asawa na si Aljur. Tila naman itinakda talaga ang pagsasama nila sa proyekto, dahil mismong si Andrea rin ay hiwalay na sa kanyang naging boyfriend na si Derek Ramsay, at nakapag-move on na rin sa kanilang paghihiwalay.

Dahil nga dito, ay parehong nakatuon ang pansin nila sa kanilang proyekto kaya walang duda na talagang nagawa nila ng maayos ang bawat role na kanilang ginampanan. Pansin naman ni Andrea na noong naka-lock in taping sila, ay ibang Kylie na nakatrabaho niya ngayon, dahil nag-mature na raw ito at talagang naka-focus lamang ang aktres sa kanyang karakter bilang Beth.

Samantala, nang tanungin naman si Andrea kung ano ang maibibigay na advice kay Kylie, at diretsahan naman nitong sinabi na hindi na kailangan ng advice ng kanyang kaibigan dahil isang strong woman ang nakikita niya rito. Isang matatag na babae na kayang lampasan ang anumang pagsubok.

“Nag-mature siya. Tinatanong nga nila ako kung ano ang advice ko kay Kylie, sabi ko, hindi na niya kailangan. Kasi parang strong woman siya talaga.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved