Connect with us

Entertainment

Idol Philippines Grand Winner na si Zephanie Dimaranan, May Pasilip sa Kanyang Naging Training Sa Now United Boot Camp sa Abu Dhabi

Matatandaan na noong September 1 nang inanunsiyo sa Instagram ng Now United na kabilang ang “Idol Philippines” Grand Winner na si Zephanie Dimaranan sa mga kalahok ng global pop group para sa boot camp na magaganap sa Abu Dhabi. Hindi naman na ito nakapagtataka dahil talaga namang taglay ni Zephanie ang kahanga-hangang talento sa pag-awit.

“We are announcing the 12 amazing Uniters who will be going to the Now United Creative Hub in Abu Dhabi!! First up, say hello to zephanie from Philippines!,”nakasaad sa caption nito.

Isa si Zephanie sa mapalad na napabilang sa 12 participants ng Now United boot camp kung saan ay magsasanay sila sa ilalim ng pinakamahusay na mentor para mapabuti pa lalo ang kanilang singing, dancing at over all performing skills.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zephanie (@zephanie)

Tila nga napakabilis na lumipas ang mga araw, dahil kamakailan lamang ay napabalita naman ang pagbabalik bansa ni Zephanie matapos ang halos isang buwang pananatili sa Abu Dhabi para sa boot camp ng global pop group na Now United. Sa kanyang Instagram, ay ibinahagi ng singer ang kanyang pagbabalik bansa mula sa matagumpay na pagsasanay sa nasabing boot camp.

Samantala, tila na-enjoy naman ng 18 taong gulang na si Zephanie ang kanyang naging pagsasanay sa nasabing boot camp kasama ang iba pang kalahok. Makikita sa Instagram ng batang singer ang kanyang pasilip sa mga naging kaganapan habang siya’y nasa boot camp.

At ilan nga sa mga larawan at videos na makikita sa Instagram ni Zephanie, ay ang kanilang masayang bonding moments ng kasama ang iba pang kalahok na kanya ring naging mga bagong kaibigan.

Maliban rito, ay tiniyak rin ni Zephanie na malibot at mapuntahan niya ang mga magagandang lugar sa UAE kasama ang iba pang kalahok sa boot camp. Isa naman sa talagang naenjoy ni Zephanie, bukod sa kanilang ginawang pamamasyal ay ang panonood nila ng sine na matagal na niyang hindi nagagawa dahil sa pandemya.

Ayon naman sa ulat ng article ng MYX Global, ang 12 participants na mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay sumailalim sa pagsasanay sa tulong ng sikat na choreographer na si Kyle Hanagami at Joseph Clarke. Ang American record producer na si Emile Ghantous naman ang nag-record ng mga kanta at nasa likod ng ilan sa mga biggest hits ng Now United.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zephanie (@zephanie)

Ang global pop group na Now United ay binuo ng creator ng American Idol na si Simon Fuller noong 2017. Ang Now United ay binubuo ng 18 na mahuhusay na kalahok mula sa 18 na bansa para mas lalong mahasa ang kanilang kakayahan bilang singer at performer.

Maliban kay Zephanie, ay nauna nang sumalang at naranasan rin ng Pinoy Big Brother alumna na si Baily May ang boot camp ng Now United. At ngayon nga ay isa na siya sa hinahangaang miyembro ng nasabing global pop group kung saan ay patuloy na nakikilala at ipinapakita ang angking talento sa buong mundo.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved