Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Arabella, Ang Bunsong Anak ng Mag-asawang Sina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao Na Taglay ang Mala-dyosang Kagandahan

Ang masaksihan ang tagumpay ng anak ay walang kapantay kaligayahan ang hatid sa mga magulang, dahil ang tagumpay ng anak ay tagumpay rin ng mga magulang. Tila nga, ang lahat ng pagod at sakripisyo na inilaan para mapag-aral ang mga anak ay nasuklian na.

Credits: Arabella Davao | IG

Kaya naman, ang mag-asawang sina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao ay walang pagsidlan ng tuwa at proud na proud sa nakamit na tagumpay ng kanilang bunsong anak na si Arabella nang magtapos ito sa kolehiyo noong May 31, 2019. Nakapagtapos si Arabella ng kanyang Bachelor’s degree sa Ateneo de Manila University.

Credits: Arabella Davao | IG

At para nga sa nakamit na tagumpay ni Arabella, ay hindi naman nagkulang ang kanyang mga magulang na sina Jackie Lou at Ricky na ipakita sa kanilang anak ang kanilang pagsuporta at pagmamahal. Sa kani-kanilang Instagram account, ay ipinaabot nina Jackie Lou at Ricky ang kanilang pagbati para sa nakamit na tagumpay ng kanilang bunsong anak.

Credits: Arabella Davao | IG

Sa mensahe ni Jackie Lou, bilang isang ina ay talaga namang damang-dama ang kanyang pagmamahal para kay Arabella. Nakasaad nga sa mensahe ni Jackie Lou kung gaano siya ka-proud sa kanyang anak. Binigyang diin rin ng proud mommy sa kanyang mensahe, na kung anumang landas ang tahakin ni Arabella ay palagi siyang nasa tabi ng kanyang anak at hindi siya magsasawang suportahan ito.

Isang simpleng mensahe naman ng pagbati ang ipinaabot ng aktor na si Ricky Davao para sa tagumpay ng kanyang anak. Hindi naman nakalimutan ng proud parents na tapusin ang kanilang mensahe sa isang matamis na “I love you”.

Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang bumati rin kay Arabella, at ang kanilang post rin ay umani ng positibong komento. Hindi naman maikakaila na bukod sa taglay na katalinuhan ni Arabella, ay kapansin-pansin rin ang kanyang magandang mukha na maihahambing sa isang dyosa ng kagandahan. Wala namang duda na namana ni Arabella ang magandang katangian ng kanyang mga magulang, lalo na ng kanyang inang si Jackie Lou dahil magkamukha silang dalawa.

Credits: Arabella Davao | IG

Samantala, tulad rin ng kanyang mga magulang ay pinasok na rin ni Arabella ang mundo ng showbiz. Nitong nakaraang buwan ng Hunyo lamang nang mapabalita ang pagpirma ng kontrata ni Arabella sa ilalim ng Star Magic upang tuparin ang kanyang “childhood dream”.

Bata pa lamang ay pangarap na talaga ni Arabella ang maging parte ng Star Magic upang ipamalas ang kanyang kakayahan bilang isang mahusay na aktres, at ito nga ay kanyang nabigyang katuparan na.

Credits: Arabella Davao | IG

Maliban kay Arabella ay may dalawa pang anak sina Jackie Lou at Ricky Davao, sina Kenneth at Rikki Mae.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved