Connect with us

Entertainment

Seksing Aktres na si AJ Raval, Nakatikim ng Sermon Mula sa Kanyang Tatay na si Jeric Raval Matapos Ang Kanilang Masayang Bonding Moments

Hindi nakaligtas ang napakaganda at seksing aktres na si AJ Raval mula sa sermon ng kanyang amang action star na si Jeric Raval kahit pa nga katatapos lang ng kanilang masayang bonding moments.

Credits: AJ Raval | IG

Ang 26 taong gulang na seksing aktres na si AJ Raval ay isa ngayon sa pinakasikat na artista sa industriya ng showbiz. Hindi naman na ito nakapagtataka, dahil tulad ng kanyang amang si Jeric ay isa ring mahusay na artista si AJ. Idagdag pa nga rito, ang kanyang magandang mukha at maganda ring hubog ng kanyang katawan na talaga namang napakaseksi.

Samantala, magkasundong-magkasundo naman ang mag-amang Jeric at AJ, at sa katunayan nito ay madalas silang magbonding. Bagama’t, makikita na tila magbarkada lamang ang turingan ng mag-ama sa sobra nilang pagiging malapit, ay hindi naman nakakalimutan ni Jeric na pangaralan ang kanyang anak na si AJ kahit pa nga nasa tamang edad na ito.

Credits: AJ Raval | IG

Kamakailan lamang, sa latest vlog ni AJ ay ibinahagi ng aktres ang masayang father and daughter bonding nilang mag-ama, ngunit sa huli ay nakatikim pa rin ng sermon si AJ mula sa kanyang ama. Sa nasabing vlog ay makikitang nag-firing ang mag-ama sa Delta Lion Shooting Range. Sa tulong ng kaibigan ni Jeric ay tinuruan nitong humawak ng baril si AJ at nagbigay rin ng kaalaman patungkol sa safety precautions.

At para sa isang baguhan na tulad ni AJ, ay pinabilib niya ang taong nagturo sa kanya, at mga taong naroon lalo na ang kanyang amang si Jeric na proud na proud sa kanya dahil mabilis niyang natutunan ang itinuro sa kanya. Sa unang pagpaputok ng baril ay malapit na ito sa center point, at sa pangalawa at pangatlo niyang shot ay naka-one hole siya o ang dalawang tama ng bala ay parehong nasa iisang pwesto o butas ang tinamaan.

Credits: AJ Raval | YT

Dahil sa ipinakitang kakayahan ni AJ sa tamang paghawak ng baril at agad rin naasinta ang target, ay bumuhos ang papuri sa aktres. Makikita naman na enjoy na enjoy si AJ sa kanyang ginagawa at ayon pa sa magandang aktres ay epektibong gawin ang firing kapag nais mag-alis ng stress.

Credits: AJ Raval | YT

Samantala, bagama’t proud na proud si Jeric sa ipinakitang kakayahan ng kanyang anak, ay nakatikim parin ito ng sermon sa kanya. Sa huling bahagi ng vlog ay makikitang pinapagalitan ni Jeric si AJ. Maririnig na nagtanong si Jeric sa kanyang anak kung ito daw ba ang uniform nito. Ayon pa nga kay Jeric, ay mas magandang tingnan na ganitong klase ng damit ang suot ni AJ at hindi yung klase ng damit na nakalabas umano ang “dalawang ewan” nito.

Credits: AJ Raval | YT

Hindi naman na lingid sa kaalaman na marami na talagang nagpapaseksi si AJ para mas lalong mapansin ng kanyang mga fans. At madalas ngang makita sa kanyang mga larawan at video sa social media at vlog na mahilig siya magsuot ng mga seksing damit na halos kita na nga ang kanyang kabuuan. Pagdating rin sa mga pelikulang kanyang ginagampanan, ay mga mapangahas rin ang kanyang nagiging karakter na talagang napakaseksi at litaw na litaw rin ang kanyang makinis na balat sa kanyang mga suot.

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved