Connect with us

Entertainment

Bagong Kasal na Nag-Trending Online Matapos Ma-Scam ng Kanilang Wedding Coordinator, Tinulungan ng Mag-Asawang Neri at Chito Miranda

Isa nga sa pinaka-espesyal na araw sa buhay ng dalawang taong nagmamahalan ay ang araw ng kanilang kasal, kaya naman marami sa mga magkasintahan ang ito’y pinagiipunan at labis na pinaghahandaa.

Credits: Facebook 

Ang kasal ay dapat isang masayang pagidiriwang, ngunit nito nga lamang nakaraan ay may ‘newly wed’ na nag-viral dahil sa hindi kanais-nais na pangyayari sa araw mismo ng kanilang kasal.

Nito lamang ngang nakaraang mga araw ay naging ‘trending online’ ang isang bride na humahagulhol sa isanng video. Ayon sa mga lumabas na ulat, ang bagong kasal ay na-scam ng kanilang nakuhang wedding coordinator, kaya naman labis ang naging pagkadismaya nila.

Kinilala ang naturang ‘crying bride’ sa video na si Cherry Purisima, na niloko nga ng kinuha niyang wedding coordinator na nakilala lang niya sa social media.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)

Ayon kay Cherry, matapos ang naging masayang pag-iisang dibdib nila ng kanyang mister sa harap ng altar sa simbahan, ang dapat ay maging masayang salo-salo at pagtitipon ng mga bisita sa reception ay naging pagkadismaya para sa kanila.

Pagdating kasi nila sa venue kung saan gaganapin dapat ang reception ng kanilang kasal, ay wala silang nadatnan na anuman. Kung kaya naman sa video nga na kumalat online, ay mapapanood ang labis na pag-iyak ni Cherry, dahil hindi niya inasahan na masisira ang espesyal na araw nilang mag-asawa.

Ang nangyari ngang ito kay Cherry ay agad na kumalat at pinag-usapan online, kung saan ay marami talaga ang nakisimpatya sa kanilang mag-asawa.

Credits: Facebook

Samantala, hindi nga lamang mga netizens ang nagpaabot ng kanilang simpatya para sa bride na si Cherry at sa kanyang groom, dahil maging ang celebrity couple na sina Neri at Chito Miranda ay nakisimpatya niya rin sa mag-asawa.

Tila naman hulog ng langit ang mag-asawang Neri at Chito sa bagong kasal, dahil matapos ngang mapanood ng celebrity couple ang video ni Cherry kung saan talagang makikita ang labis niyang pag-iyak ay agad na nag-alok ng tulong sina Neri at Chito para sa newly wed. Sinabi ng celebrity couple na bibigyang kulay nila ang reception ni Cherry at ng groom nito.

Mababasa sa Instagram account ng dating aktres at ngayon ay isa ng negosyanteng mommy na si Neri Miranda, na tutulungan niya si Cherry na mabigyang kulay ang napurnadang nitong reception ng kasal, dahil ayon nga kay Neri ang isang ‘bride’ ay kinakailangan na maganda sa araw ng kanyang kasal, at walang sinomang bride ang dapat ma-stress sa espesyal na araw sa kanyang buhay, at ito nga ay ang maikasal sa taong nais niyang makasama habang buhay.

Credits: Neri Miranda | IG

“Bilang naging bride din ako, ang pinaka ayaw natin ay ang ma-stress sa mismong araw ng kasal natin. Kahit lahat ng tao sa paligid natin , di tayo dapat binibigyan ng stress. Kung sino po ang nakakakilala sa bride, pakisabi po, message niya po ako or my partner @jonahcbautista. Kami na bahala sa reception niya”, saad ni Neri sa kanyang naging IG post.

Dagdag pa nga ni Neri, wala ng dapat alalahanin ang bagong kasal dahil lahat ng sa reception ay sagot na nila, at bibigyan pa nga nila ng “pocket money” si Cherry at ang mister nito.
Ibinahagi nga ni Neri sa kanyang naging IG post kung ano ang mga tulong na ibibigay nila sa mag-asawa, upang sa ganun ay magawa ng mga ito ang pangarap nilang reception ng kanilang kasal.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved