Connect with us

Entertainment

Mga Netizens, Nabighani sa Kagandahan ni Kris Bernal sa Kanyang Mala-Prinsesang Wedding Gown na Likha ng Designer na Si Mak Tumang

Aktres na si Kris Bernal, natupad na ang matagal ng pinapangarap at inaasam, ang hindi niya malilimutang araw sa kanyang buhay, ang maikasal sa lalaking labis niyang minamahal.

Credits : Niceprint

Ngayong araw nga ika-25 ng Setyembre ay ikinasal na si Kris Bernal sa kanyang long-time partner na si Perry Choi sa isang “intimate wedding ceremony” na ginanap sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish sa Makati City.

Ang araw nga na ito ay maituturing na pinakamasaya at hindi malilimutang araw nina Kris at Perry, dahil matapos ma-postponed ng kanilang kasal na dapat ay ginanap noon pang buwan ng Hunyo, ay heto na nga at natuloy na ang pag-iisang dibdib nilang dalawa.

Credits : Kris Bernal | Fb

Samantala, labis namang ikinamangha ng maraming netizens ang napakagandang bride na si Kris Bernal sa araw ng kanyang kasal. Tila nga talagang pinaghandaan ng aktres ang espesyal na araw na ito sa kanyag buhay, dahil sa talaga namang naging “center of attraction” siya, lalo na sa kanyang suot na wedding gown kung saan ay nagmukha siyang isang prinsesa.

Agad ngang pinag-usapan online ang kasal ng aktres, at maraming mga netizens ang pinuri ang kanyang napakagandang wedding gown na nagpakinang pa nga lalo ng kanyang kagandahan.

Ayon naman sa mga lumabas na ulat, ang may likha ng mala-prinsesang disenyo na wedding gown ni Kris Bernal ay ang mahusay na fasion designer na si Mak Tumang.

Credits : Kris Bernal | Fb

Para sa mga hindi naman nakakaalam si Mak Tumang ay ang brilyanteng tao rin na nasa likod ng mga napakaganda at kabigha-bighaning gown ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Kung titingnan nga ay tila naging isang real-life bride princess si Kris Bernal sa kanyang suot na Swarovski-embellished custom-made wedding gown. Ito naman ay binagayan ng suot ng groom na beige suit na ang mga likha naman ay si M Baretto.

Ang naganap na kasal nina Kris ay Perry ay ini-live stream sa mismong YouTube channel ng aktres.

Credits : Kris Bernal | Fb

Sina Kris Bernal at Perry Choi ay apat na taong naging magkasintahan bago pa man sila nagpakasal dalawa. Matatandaan na si Perry ay nag-propose sa aktres noong buwan ng Pebrero taong 2020.

Buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon dapat talaga magaganap ang kasal nina Kris at Perry, ngunit dahil nga sa paglaganap ng pandemya ay nakansela ito. Sa kanyang vlog ay emosyonal pa ngang ibinahagi ni Kris ang naging desisyon niya na kanselahin ang kasal, at ibinahagi rin niya ang ilang mga naging paghahanda nila. Noon ngang panahon na ‘yon ay ini-hold nila ang petsa ng kanilang kasal.

Credits : Kris Bernal | Fb

Sa mga lumabas naman na larawan ngayon sa naging kasal nina Kris at Perry, ay mababakas sa mukha ng newly wed ang labis na kasiyahan na kanilang nadarama dahil sa wakas ay natuloy na ang matagal na nilang pangarap na maikasal sa isa’t isa at magsumpaan sa harap ng altar ng kanilang wagas na pagmamahal.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved