Connect with us

Entertainment

Confidence Level ni Kisses Delavin sa Naganap na Miss Universe Ph Preliminary Round, Nagpa-Wow sa mga Netizens!

Nito lamang ika-23 ng Setyembre ay inere sa KTX.ph ang naganap na question and answer portion ng mga kandidata ng Miss Universe Ph preliminary round. Ito ay ginanap sa Hilton Clark Sun Valley Resort sa Clark, Pampangga.

Ang Top 28 na kandidata na kasali sa nasabing pageant ay pare-parehong tinanong ng limang set na mga katanungan. At dito nga ay muling pinahanga ng kandidata ng Masbate na si Kisses Delavin ang maraming netizens dahil sa ipinamalas niyang ibang level ng confidence habang sinasagot ang mga katanungan sa kanya.

Ayon sa ilang mga netizens, talagang nangibabaw ang confidence level ng hiyas ng Masbate sa preliminary round nga na ito ng Miss Universe Ph.

Samantala, isa naman sa mga naging katanungan sa mga kandidata ay kung ano ang “most important lesson” na kanilang natutunan sa mga dumaang linggo.

“I think it’s embracing the moment, really enjoying the moment for what it is, like a song. I think I met so many people in the past week that I really treasure…”, ito naman ang naging mahusay at nakabibilib na kasagutan ng pambato ng Masbate na si Kisses.

Isa pa sa mga sumunod na katanungan na nasagot rin ng mahusay ni Kisses ay ang, “If beauty is in the eye of the beholder, in whose eyes are you beautiful?”

“In my own eyes. I always make sure that every day, when I go out, when I’m dping my own makeup, that my standard of beauty is myself..”, sagot naman ng dalaga.

Naitanong rin naman sa dalaga kung siya ang papipiliin ano umano ang kanyang gustong tanggalin; kagutuman, korapsyon, o ang maresulba lahat ng environmental problems?

Ayon naman kay Kisses, pipiliin niya na matanggal ang kagutuman na nararanasan ng marami nating kababayan.

Ang huli namang katanungan ay kung siya ba ay papipiliin ng bagay na i-add to cart niya sa Lazada na maari niyang ipamahagi sa lahat ng Pilipino, ay “rosary” naman umano ang pipiliin ni Kisses. Ito nga ay upang magbigay inspirasyon umano ito sa mga Pilipino sa lahat ng mga nangyayari ngayon sa atin.

Dahil nga sa ipinamalas na mahusay na pagsagot ni Kisses sa mga naging katanungan sa kanya sa naganap na preliminary question and answer ay talaga namang maraming mga netizens ang hindi napigil ang humanga at mapa-wow sa “beauty and brain” na taglay ng dalaga.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved