Connect with us

Entertainment

Tingnan ang “Wet Birthday Photoshoot” ni Maris Raca na Nagpakinang Pa Lalo ng Kanyang Kagandahan

Muling pinakinang ng Kapamilya actress na si Maris Racal ang kanyang taglay na kagandahan sa espesyal na araw ng kanyang kapanganakan. Sa ika-24 taong kaarawan ni Maris, ay naging “stunning” ang kanyang ganda sa ginawa niyang “wet and wild” photoshoot.

Ibinida ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram account ang kanyang mga nag-gagandahang larawan na kinunan ng mahusay na celebrity photographer na si BJ Pascual.

“And just like that, I turned 24”, ang naging saad ni Maris sa kanyang post.

Makikita naman sa mga larawan ang napaka-creative na photoshoot ng aktres na ayon sa ulat ay dinerek ni Eldz Mejia. Mas naging kaakit-akit pa sa harap ng kamera ang birthday celebrant sa suot niyang ‘white sheat’ na dinesenyo ni Carl Arcusa at ito ay istilo ni Adrianne Concepcion.

Ang mas nagpa-bongga at naging kamangha-mangha naman sa birthday photoshoot na ito ni Maris ay ang naging pag-posed niya habang siya ay sinasabligan ng “dramatic bucket” ng tubig.
Bumagay naman sa awra ni Maris ang kanyang “slick and wet” na buhok na ang nag-ayos ay si Raymond Santiago. Samantalang, ang nasa likod naman ng mas lalo pang “grown-up and unapologetically sexy” awra ni Maris sa kanyang photoshoot ay si Jelly Eugenio.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

Samantala, sa isa pang larawan na ibinahagi ni Maris sa kanyang IG post kung saan makikita na siya ay basang-basa ng tubig, ay nilakipan niya naman ito ng caption na;

“Para akong nabuhusan ng malamig na tubig”, ani Maris.

Sa espesyal na araw ng Kapamilya actress, kung saan ay ipinagdiwang nga niya ang kanyang ika-24 taong kaarawan noong Miyerkules, ika-22 ng Setyembre ay isa sa mga pinaka-unang nagpaabot ng pagbati sa kanya ay ang nobyo niya ngayon na si Rico Blanco.

Mababasa sa Instagram nito ang naging matamis na pagbati nito sa nobya niyang si Maris sa kaarawan nito.

“Happy birthday madam. Love you so much po”, ani Rico Blanco.

Kilala bilang Filipina actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser si Maris Racal o sa tunay na buhay ay si Mariestella “Maris” Caňedo Racal na ipinanganak noong ika-22 ng Setyembre taong 1997. Ang kasikatan niya sa industriya ng showbiz ay nagsimula noong pumasok siya sa PInoy Big Brother taong 2014.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved