Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Celebrity Lola’s na Giliw na Giliw sa Kanilang mga Apo

Ang pagiging isang magulang ay talaga naman isa sa mga kamangha-manghang responsibilidad, ngunit ang mabigyan ng pagkakataon na maging isang “grandparent”, ay isa naman sa maituturing na panibagong kabanata pa ng buhay ng isang tao na talaga namang kanyang mae-enjoy.

Ito nga ay pinatunayan ng ilan sa mga kilala nating celebrity sa industriya ng showbiz, na ngayon ay ine-enjoy sa kanilang buhay ang pag-ganap bilang pangalawang magulang sa mga anak ng kanilang anak. Ang iba pa nga sa kanila ay talaga namang naglalaan ng oras para maka-bonding ang kanilang mga apo, at ini-spoil pa ang mga ito.

Halina’t Kilalanin natin ang mga celebrity na kinagigiliwan ang kanilang mga apo, at masasabi rin natin na maswerte ang kanilang mga apo sa kanila dahil mahal na mahal nila ang mga ito.

1. Pauleen Luna

Sa edad na 32 ay naging instant grandmother ang aktres na si Pauleen Luna, ito ay sa anak ng kanyang asawang si Vic Sotto kay Angela Luz na si Paulina Sotto – Llanes na kamakailan nga lamang ay isinilang ang kanyang baby girl na si baby Sachi Brielle.

2. Jackie Lou Blanco

Isa sa mga fit at fabulous na celebrity grandparent ay si Jacky Lou Blanco, dahil sa kahit matagal na oras niyang alagaan at kalungin ang kanyang apo ay tila naman hindi siya nakakaramdam ng pagod at kering-keri pa nga ang makipag-bonding sa apo niya.

3. Lani Misalucha

Dahil sa ganda ng kanyang tinig, ay ine-enjoy naman ng mang-aawit na si Lani Misalucha ang kantahan ng magagandang awitin ang kanyang apo.

4. Jenine Desiderio

Kita naman kung gaano ine-enjoy ni Jenine Desiderio ang pag-aalaga sa kanyang “little chick pea”, ito nga ay ang kanyang apo na si baby Jude, ang napaka-cute na baby boy ng anak niyang si Janella Salvador.

5. Jean Garcia

Napaka-ageless nga naman ng taglay na kagandahan ni Jean Garcia, kaya naman tila ina lang din siya ng kanyang apo na si baby Mori.

6. Gloria Diaz

Giliw na giliw naman ang dating beauty queen na si Gloria Diaz sa pag-aalaga ng kanyang apo sa anak niyang si Isabelle Daza na si baby Baltie.

7. Vicki Belo

Tulad ng pagmamahal na ipinaparamdam niya sa kanyang anak, ay ganun rin ang pagmamahal na ibinibigay ni Vicki Belo sa kanyang mga apo na sina Hunter at Sienna.

8. Anabelle Rama

Handa namang gawin ni Anabelle Rama ang lahat para maproteksyonan ang kanyang pamilya, lalo na nga ang kanyang mga minamahal na apo.

9. Dina Bonevie

Nami-miss naman na ng aktres na si Dina Bonevie ang maka-bonding ang kanyang mga apo, lalo na nga ang makipaglaro at makipagkulitan sa mga ito.

10. Helen Gamboa

“Mother figure” pa rin ang beteranang aktres na si Helen Gamboa sa kanyang mga apo.

11. Jaclyn Jose

Labis naman ang pagmamahal ni Jaclyn Jose bilang isang “Lola” sa kanyang mga apo sa anak niyang si Andi Eigenman.

12. Gina Alajar

Makikita naman sa Instagram account ni Gina Alajar ang madalas niyang pagbabahagi ng mga video at photo ng kanyang mga apo. At hindi naman natin masisi ang batikang aktres, dahil talaga namang nakaka-enjoy tignan ang

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved