Connect with us

Entertainment

Siya Si Kat Ramnani, Ang Napakagandang Indonesian Na Nagbibigay Saya At Kulay Sa Buhay Ng Singer na Si Christian Bautista

Ang matagpuan ang tamang taong nakalaan para maging kabiyak ng ating mga puso, at siya ring itinakda ng tadhana para mahalin at makasama sa buhay ay isang malaking biyaya na dapat ipagpasalamat.

Credits : Kat Bautista | IG

At isa nga sa mapalad na natagpuan na ang kabiyak ng kanyang puso na kanyang makakasama sa buhay sa hirap at sa ginhawa, at siyang nagbibigay saya at kulay sa kanyang buhay, ay ang sikat na singer na si Christian Bautista.

Labis ang kaligayahan ng singer dahil ang hinahanap at inaasam niyang pag-ibig ay kanyang natagpuan sa katauhan ng kanyang asawa na ngayong si Kat Ramnani. Isang Indonesian na taglay ang kahanga-hangang kagandahan dahilan nga para mabihag ang puso ni Christian. Bukod naman sa taglay na natatanging kagandahan ng banyagang si Kat, ay hahangaan rin ang taglay nitong katalinuhan. Isa na ngang patunay rito ang magandang posisyon ni Kat bilang executive sa isang telecommunication company.

Credits : Kat Bautista | IG

Sa darating na ika-18 ng Nobyembre 2021, ay ipagdiriwang na nina Christian at Kat ang kanilang ikatatlong taong anibersayo bilang mag-asawa matapos ikasal noong taong 2018. At sa loob ng halos tatlong taong pagsasama, ay pinatunayan ng mag-asawa ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa pati na rin ang kanilang naging sumpaan na magsasama sa hirap at ginhawa anumang unos ang dumating.

Ang pag-iisang dibdib nina Christian at Kat kung saan nga ay nagpalitan sila ng kanilang nakakaantig na pangako sa isa’t isa, ay nasaksihan ng kanilang kapamilya at ilang malalapit na kaibigan sa showbiz katulad na lamang nga nina Eric Santos, Mark Bautista at Sam Concepcion.

Credits : Kat Bautista | IG

Dumalo rin sa kanilang kasal ang ilan pang kilalang personalidad kagaya ng aktres na si Cris Villonco at businessman na si Christian Mark Jacob. Naispatan rin ang sikat na si Cesca Litton sa kanilang espesyal na pagdiriwang.

Samantala, hindi naman pinalampas ni Christian at Kat ang pagkakataong sulitin ang kanilang pag-iisang dibdib dahil dalawang beses silang ikinasal. Ang una nga ay naganap sa bansa ni Kat sa Bali, Indonesia at ang pangalawa naman ay sa Pilipinas na.

Unforgettable naman ang naganap na engagement nina Christian at Kat dahil ayon sa ilang ulat, ay sa Venice ito naganap. Bago naman maganap ang wedding proposal ni Christian kay Kat, ay umabot naman ng dalawang taon ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

Credits : Kat Bautista | IG

Hindi naman maikakaila ang masaya at puno ng pagmamahalan ang pagsasama nina Christian at Kat. Base nga sa mga larawang ibinahagi ng singer na kuha sa kanilang kasal, ay makikita sa kanilang mga mukha ang saya at tunay na pag-ibig sa isa’t isa.

Matapos namang masilayan ng mga netizens ang natatanging kagandahan ni Kat sa mga larawang ibinahagi ni Christian sa Instagram, ay inulan ito ng mga komento na puno ng papuri at paghanga.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved