Connect with us

Entertainment

Kasal Nina Ellen Adarna at Derek Ramsay Nalalapit Na, Sinimulan na ang Pamimigay ng Kanilang “Wedding Invitations”

Tila nalalapit na ang pinaka-espesyal na araw para sa mag-fiancee na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay, at ito nga ay ang kanilang pag-iisang dibdib, matapos na lumbas ang balita na sisimulan na ng celebrity couple ang pamimigay ng kanilang wedding invitations.

Credits: Ellen Adarna | IG

Sa Instagram stories ng actress na si Ellen Adarna nito lamang araw ng Martes, ika-21 ng Setyembre ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng isang maikling videos, kung saan ay sinabi niya na sila ng kanyang fiancée na si Derek Ramsay ay mamimigay na kanilang wedding invitations sa mga magiging principals’ sponsors nila.

Samantala, hindi naman nabanggit ng aktres kung kailan ng aba ang magiging “big day” nila ng kasintahan.

Credits: Ellen Adarna | IG

Makikita naman sa “Save the Date” invitations ng magkasintahan ang sketch ng mukha ni Derek na tinatkpan ng kamay ni Ellen kung saan ay maaninag naman ang engagement ring na ibinigay niya sa aktres. Ang imahe na ito ng dalawa ay matatandaan na kuha sa naging engagement nila noong nakaraang buwan ng Marso taon ng kasalukuyan.

Ang nasabi pang inbitasyon ng magkasintahan ay may kasamang boquet of flowers sa naging pamimigay nila nito sa mga magiging principals sponsor nila sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib.

Credits: Ellen Adarna | IG

Ayon naman sa ilang mga lumabas na ulat, ilan sa mga nakatanggap na ng “Save the Date” invitations nina Ellen at Derek ay ag celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo, ito ay base na rin sa ini-upload niya na bagong update sa kanyang IG stories kung saan ay ipinakita niya ang bouquet of flowers kalakip ang inbitasyonng magkasintahan. Makikita sa caption ni Dra. Vicki Belo sa IG stories niyang ito, ang naging mensahe niya ng pasasalamat sa celebrity couple.

Matatandaa na noong ika-4 ng Pebrero taon ng kasalukuyan ng maging opisyal na magkasintahan sina Ellen Adarna, 33 at Derek Ramsay 44. Na-engaged naman ang dalawa, noong buwan ng Marso, isang buwan lamang matapos nilang aminin sa lahat ang kanilang relasyon.

Credits: Ellen Adarna | IG

Nang matapos ang kanilang engagement ay agad na ibinahagi ni Derek Ramsay nab ago matapos ang taong ito (2021) ay plano na nilang isakatuparan ni Ellen ang kanilang kasal. At tila nga sa mga kaganapan ngayon ay nalalapit na nga ang “big day” ng dalawa.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved