Connect with us

Entertainment

“Love every inch of you” Angel Locsin, Ibinida ang Resulta ng Kanyang Naging “Balik-Alindog Journey”

Parang kailan lang ng ibahagi ng aktres na si Angel Locsin ang kanyang pagsabak sa balik-alindog journey, kung saan ay may sinusunod siyang diet plan mula sa kanyang nutritionist.

Matatandaan na nagkaroon ng malaking pagbabago ang hubog ng katawan ng aktres dahil sa epekto gamot na kanyang ininom para sa naging injury niya noon sa kanyang likuran.

Credits : Angel Locsin | IG

At sa halos ilang buwan pa nga lamang na dyetang ginagawa ni Angel, ay nito lamang nakaraan ay ginulat niya ang publiko ng ibahagi na niya sa kanyang social media account ang resulta ng kanyang ginawang “balik-alindog” journey.

Makikita ang naging pagbabahagi ni Angel ng kanyang larawan, kung saan ay makikita ang mas payat na niyang pangangatawan ngayon, kumpara sa noong nakaraang taon.

Credits : Angel Locsin | IG

“Remember to love every inch of you”, ang naging caption niya sa larawan, kung saan siya ay nakauot ng damit na pang-workout.

Agad namang bumuhos ang maraming positibong mga komento sa naging post na ito ng aktres. Marami sa kanyang mga kasamahang aktres sa industriya ay hindi napigilan ang mapamangha sa malaking pagbabago sa mas payat na nga ngayon na pangangatawan ni Angel.

Ilan sa mga celebrity na nagbigay ng kani-kanilang positibong komento sa ibinahaging larawan ni Angel, ay sina Angelica Panganiban, Bea Alonzo, Marian Rivera, Isabelle Daza, Dimples Romana, Maricar Reyes at marami pa ngang iba.

Credits : Angel Locsin | IG

Ang mister naman ni Angel na si Neil Arci ay nagkomento rin, kung saan ay tila nga pabiro itong nagsabi na uuwi siya agad.

“on my way”, ang komento ni Neil.

Samantala, matatandaan na sa nangyaring pagbabago sa katawan ni Angel kung saan ay talagang lumaki siya ng husto ay marami nga ang talagang pumuna sa kanyang pangangatawan. Ngunit sa naging panayam noon sa aktres, nu’ng ika-10 ng Hulyo sa Over a Class or Two ay sinabi niya na hindi siya nagpaapekto sa mga sinasabi ng iba patungkol sa pangangatawan niya, dahil masyado niyang mahal at pinapahalagahan ang kanyang sarili.

Credits : Angel Locsin | IG

“Buti na lang mahal ko ang sarili ko at nirerespeto ko ang sarili ko, dahil ang katawan na ito ay maraming pinagdaanan. Maraming na-achieve din naman at marami pa akong maa-achieve. Kung wala ang katawang ito, wala si Angel Locsin. Wala ako dito. Wala akong kabuhayan. So, I am just really grateful,” ani Angel.

Dagda pa niya, “Lahat naman tayo eh. Maganda ‘yun kasi there’s room for improvement. Tao lang din naman tayo, hindi naman tayo ‘yung mga nasa magazines na dini-dictate ng society sa atin na ‘yun ‘yung perfect, ‘yun ‘yung maganda.”

Ayon naman kay Angel ginawa niya ang pagpapayat hindi para sa naririnig niyang komento mula sa ibang tao, ito ay dahil sa mas nais niyang maging malusog ang kanyang pangangatawan dahil sa panahon ngayon ay tunay na mahalaga ang kalusugan.

Credits : Angel Locsin | IG

“Ginagawa ko ito for myself, for my health lang talaga. Maraming salamat dahil vaccinated na tayo, nakikita natin ‘yung blood pressure natin. So ‘yung sa akin, mataas siya kaya kailangan kong pagtuunan ng pansin talaga,” she said.

“It’s not really for vanity. Siguro bonus na lang din ‘yun pero ‘yung hinahabol natin ‘yung importanteng health. Alagaan natin ang sarili natin.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved