Connect with us

Entertainment

Beauty Gonzales, Enjoy na Enjoy Sa Kanyang Bakasyon Sa Paris Kasama ang Kanyang Unica Hija na si Olivia

Pahinga muna sa kanyang trabaho ang aktres na si Beauty Gonzales. At para maenjoy ang mga sandaling naka-break sa trabaho, ay naisipan ng aktres na magbakasyon muna sa City of Lights, sa Paris kasama ang kanilang pamilya kabilang na nga rito ang kanyang unica hija na si Olivia.

Ang aktres na si Beauty Gonzales at asawa nitong isang art collector na si Norman Crisologo, ay masasabi na kabilang sa mga mag-asawa sa showbiz na mahilig mag-travel at magbakasyon sa ibang bansa. Sa katunayan nga nito, ay madalas makita sa Instagram ni Beauty ang mga litrato na kuha sa mga magagandang lugar na kanilang napupuntahan.

At kamakailan lamang nga, ay makikita sa Instagram ng aktres na isa na namang bago at masayang bakasyon ang kanilang ginawa sa ibang bansa. Nito buwang kasalukuyan lamang nga, ay makikita ang sunod-sunod na pagbabahagi ng mga larawan ni Beauty mula sa kanilang masayang bakasyon.

Credits : Beauty Gonzales | IG

Ang dating Pinoy Big Brother housemate ay lumipad pabalik sa isa sa pinakapaborito niyang travel destination, ang Disneyland Paris. Ngunit sa pagkakataong ito ay kasama na niya ang kanyang unica hija na si Olivia. Ang Disneyland Paris ay para naman talaga sa mga batang tulad ni Olivia, kaya naman, talagang isinama ni Beauty ang kanyang anak para mag-enjoy at maranasan ang hindi makakalimutang karanasan.

“The Wisdom of the Ages seeps through these walls and fills every pore in my body with gratitude and peace. What a beautiful, wondrous place. So happy I got to experience this with my curious child.”

Credits : Beauty Gonzales | IG

Pag-amin naman ni Beauty, bagama’t talagang mahilig siya mag-travel at pumunta sa magagandang lugar, ay hindi naman maitatago na nakakapagod ito. Ngunit, sa kabila nga nito, ang effort na binibigay at pagod ay worth it naman dahil sa mga masasayang alaala na mabubuo na hindi naman matutumbasan ng kahit na anong bagay. Kahit nga pagod sa bawat byahe ay nagpapasalamat pa si Beauty, dahil sa kaligayahang hatid nito sa kanya.

“Loving Life But needing a rest, this having fun thingy is tiring, Laughing and screaming for joy is a workout, it presses all the buttons on your body. I may need a vacation from this vacation but I’m not complaining, I’m the happiest AND luckiest girl in the world. Life is BeautyFul .”

Matapos namang dalhin ni Beauty ang limang taong gulang na si Olivia sa tourist destination na ipinagmamalaki ng Paris kung saan talagang nag-enjoy ang bata, ay pinuri naman niya ang kanyang sarili dahil sa loob ng 2 araw sa Disneyland Paris ay marami silang nagawa at nalampasan rin niya ang takot sa pagsakay sa mga rides.

Credits : Olivianescrosologo | IG

“Survived two whole days in Disneyland Paris as part of an ex deal with Olivia, She endures the countless Art Galleries and Museums that Paris has to offer, we ride every possible ride we could possibly ride! And ride I did, twisty turny upsy daisies, Downy loudy 3D droppy. Phew… I rode them all. I fought my natural scaredy cat-ness and Even managed to impress myself, Good job Mama! ”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved